kiss 1

406 3 0
                                    

“Ugliness is always a choice and not an inborn disability or a cause of deformity.”

***

           “Wah!!! Wala na talagang pag-asa! Danya Aragon! Failure ka na talaga pagdating sa lovelife mo! Mamamatay ka nang panget at walang nagmamahal! Ahuhuhu. Whatta life?! Isa ba itong sumpa?!” Napasabunot ako sa buhok ko habang nakatingin sa full-length mirror na nakasandal sa may pader sa loob ng aking kwarto.

                “Come on Anya! Maganda ka! Paniwalaan mo ang sinasabi ni Mommy Ellen!”    

                Paniwalaan mo talaga! Dahil ang magulang, hindi nagsisinungaling yan! Sino nga naman bang magulang ang magsasabing panget ang kanyang anak?! Dios Mio Marimar! Nakakalungkot naman kung totoo ngang meron!

                Potek naman talaga Oo! Ba’t ba naman kasi hindi ako biniyayaan ng mala-prinsesang mukha?! Yung tipong lahat ng gwapo sa daan ay mapapatingin sa akin at matutula! Ahuhuhu Dapat in-order ko na yung love potion na nakita ko sa internet! Eh di sana, mapapansin na ako ni T.L.!!!

                “Ayiiiiiiiiii!” Napahiga ako sa kama habang yakap-yakap ang unan ko. Kulang na lang ay gumulong-gulong ako sa sahig dahil sa kilig na nararamdaman ko kapag naaalala ko ang T.L. ng buhay ko!

                TOK!TOK!TOK! At bumukas ang bahagya ng nakabukas na pinto ng aking kwarto.

                “Ano ba yan Anya! Gabing-gabi na ang ingay-ingay mo pa rin! Magpatulog ka naman! At ano naman yang kalokohan mo sa katawan ha?” Lumapit si Kuya Kier sa akin at sabay kinutusan ako.

                “Aray naman Kuya Kier! Bakit mo naman ginawa ‘yon?” Napahawak tuloy ako sa ulo ko sa ginawa ng Kuya ko.

                “Tigilan mo na nga yang kasasalamin mo. Baka mabasag pa yan! Ha ha ha!”

“Pasensya naman po Kuya kong ubod ng sama at sungit!” Sabay narinig ko na ang pabalibag na pagsarado ng pinto ng kwarto ko.

                “Hmp! Akala mo naman kung sinong gwapo!” Nakakagalit talaga.

                Sabagay, sa aming apat na magkakapatid ako lang yata ang sinawing palad. Bakit hindi? Si Kuya Kerwin na pinakapanganay sa amin ay talaga namang ubod ng gwapo. Thirty years old na siya at may sarili nang pamilya. Matangkad, mestisuhin, pantay-pantay na ngipin, matangos ang ilong, at brown eyes pa.

                Ang isa ko pang Kuya, ay si Kuya Kregg. Twenty seven years old. Kakakasal lang niya last month. Kung ipapa-describe niyo siya sa akin, ay naku! Kamukha siya ng Mommy namin! Maamo kasi yung mukha ni Kuya at may dimples siya sa magkabila niyang pisngi! Tapos ang puti-puti pa. Bagay na kinaiinggitan ko! Ahuhuhu.

                Ang isa ko pang Kuya, ay sino pa nga ba? Eh di yung makulit at mapang-asar kong si Kuya Kier na malandi. Oo malandi talaga. Paano ba naman? Sa dalampu at dalawa niyang buhay dito sa lupa ay naka-seventy girlfriends na siya! Oo seven at zero. As in 70! Napakalandi talaga! At hindi basta-basta ang mga nagiging girlfriend ni Kuya ha? May anak ng politician, may anak ng abogado, doctor, principal, business man at may anak pa ng Datu! Malamang prinsesa yun! At napakarami pang iba! At ni isa, wala siyang dinala dito sa bahay ha? So paano ko nalaman kung bakit marami siyang gf’s?

                Simple lang, dahil binibilang ko yung mga roses na binibili niya every February! Nawiwindang talaga ako diyan sa Kuya kong yan. Pero alam mo ba? Lately, napapansin kong gabi na siya lagi umuwi from work. Hindi naman siya dati ganon. Anyway, yung pag-iitsura ng kuya ko eh may pagka-pretty boy sabi ng bestfriend ko. Singkitin daw kasi tapos ang ganda ng ilong at maninipis pa yung mga labi. Ewan ko ba at bakit ang dami-daming girls ang naa-attract sa mga singkit. Hay naku talaga. Pero kahit pasaway yun at madalas akong asarin eh siya ang pinaka-favorite kong Kuya. Siguro kasi siya lagi yung kabangayan ko. Ha ha ha. At dahil din sa madalas niya akong ilibre ng balot. Yun yun eh!

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon