kiss 17

118 1 0
                                    

Weighing your emotions is just like walking in a balance beam. If you won’t move recklessly, you won’t end up falling on the ground with an injury.

***

ANYA’s POV

“And I would like to touch yours on the day I would marry you.”

“And I would like to touch yours on the day I would marry you.”

“And I would like to touch yours on the day I would marry you.”

                Kumakanta ba siya? Ha?! May kanta bang ganon ang lyrics?! Ang sakit tuloy ng ulo ko kaiisip ng kantang sasakto sa sinabi kanina ni Kuya Abo. Alam niyo ‘yon? Shocking lang talaga. At hanggang ngayon, ayaw pa rin tumigil ng pagda-drums ng puso ko. Bakit ganito? Iba ‘to sa nararamdaman ko kapag nakikita ko si T.L? Hindi ko masyadong maipaliwanag pero, iba talaga.

                LUBLUBLUBLUB. Yung kay Kuya Abo.

                 -parang nilulunod lang ako.

                LUBDUBLUBDUB

                Yung kay T.L.  Parang hinahabol ako ng kabayo?

                Kung baga kung halaman sila, si T.L parang punong mangga. Kasi yung feeling ko for him, matatag na. Matibay na dahil five years ko na nga siyang gusto di ba? At si Kuya Abo? Parang kawayan, nakikipagsabayan sa nararamdaman ko. Unti-unti, nagiging sweet na talaga siya sa akin.

                Pero, lagi naman siyang sweet eh. May halong biro nga lang minsan. Argh! Hindi ko dapat masyado iniisip ‘toh eh! Ano ba naman yan. Eto ba ang tinatawag nilang “torn between two lovers”?

                Er.

                Ang feeling ko na naman eh. Mukha nga akong ‘tinik’ pero wala akong lovers!

                Meron. Ako!

                Ayan na naman ang subconscious kong adik!

Tut! You have one message received!

From: Guardian Angel <3

Thank you Hearty

I’ve seen the brightest star tonight

You look so adorable.

                DUGDUGDUGDUG.

                Kinakabahan ako? What’s with this text? Bakit ganon? Akala ko ba, hindi si Kuya Abo si Guardian Angel? Pero bakit feeling ko, nakita niya ako ngayong gabi?

Ang creepy lang ng pakiramdam.

                Pero napag-isip-isip ko. Possible naman talaga na si Kuya Abo ito. Kasi siya lang naman kasama ko. Pati siya lang naman ang may toyong makikipaglandian sa akin.

                LANDIAN. Ang samang term eh. Plus the fact na si Kuya Abo pa?! Wah! Anya! Gurang na ‘yon! Erase! Erase!

                Nagtalukbong ako ng kumot at saka dumapa sa may unan ko. Actually natutuwa ako sa mga nangyayari kasi once in my life, may nagpakita sa akin ng ganong klaseng attention. Yung pakiramdam na may nagpapakita sa’yo ng halaga mo bilang isang babae. Yung pakiramdam na kahit ganito pala yung itsura ko, may magagawang tumitig ng matagal sa mukha ko. Yung pakiramdam na may taong nagsasabi sa’yo na masaya siya dahil kasama ka lang niya. Haayyy…

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon