kiss 14

131 3 0
                                    

At the touch of love everyone becomes a poet.

***

ANYA’s POV

                “Mommy?! Kailangan ko bang suotin ‘to?”

                Kalalabas ko lang galing bathroom pagkatapos kong maligo. Naka-bathrobe ako at habang patungo sa kama ko. Nanlulumo akong umupo sa gilid ng kama ko ng hawakan ko ang isang gown. Tama. Gown nga. Akalain ko bang tinawagan pala ni Kuya Abo si Mama para ipagpaalam ako sa dinner namin mamaya?

                “Oh what’s the problem Anya?”

                Pumasok si Mommy sa loob ng kwarto ko kasama ang isang baklang maganda. Paano ko nalamang bakla? Well, huwag niyo ng itanong.

                “Mommy naman eh. Bakit gown?! Hello? Simpleng dinner lang po ‘iyon.”

                “Dinner date ‘yon no.”

                “ANO?!” Pati si Mommy iniisip na isa nga iyong date. Wah! Bakit pa kasi pumayag pa ako eh! Hindi na naman ako pwedeng umurong dalhin nag-yes na ako. Isa pa nakakahiya rin naman kay Kuya Abo.

                “Oo naman anak. Date na ‘yon. When a guy asked a girl to go out. It is consider a date.”

                “Yeah Mom, a brother-sister date.”

                “Umayos ka.” Nagulat ako sa panlalaki ng mata ni Mommy ko. Nagtatransform na naman siya. Help me!

                “Mom naman. O siya friendly date.” Ngumiti siya at nag-thumbs up pa.

                “Anyway Anya, this is Tricia. Siya  ang tutulong para mag mukha kang beauty queen tonight.”

                “Mom, hindi beauty contest ang pupuntahan ko. Lalamon lang po ako. As in lalafang kaya wag naman masyadong bongga please?”

                “Okay sinabi mo eh. Sige na. Iwan ko na dito si Tricia. Ba-bye.”

                Yun lang at nagpaalam na si Mommy. Naiwan na si Tricia. Mukha naman siyang mabait. Sa totoo lang, first time kong magpapa-make up. Paano ba naman, wala naman talaga akong hilig magpaganda dahil wala naman remedy ang kapangitan ko.

                “I will make the best out of you!” Sabi ni Tricia in a malanding tono. Boses babae din siya. Hindi rin halata ang adam’s apple niya. Makinis din ang balat niya at may boobs din naman kahit papaano. Kung ikukumpara sa akin. Waley siya.

                Eh? Tama bang ikumpara ko ang sarili sa bakla?!

                Napailing ako. Mabuti na lang mabait si Tricia at hindi katulad ng ibang mga kalahi niya na napaka-ano! Alam niyo na ‘yon.

                “Okay. I’m sure mai-inlove sa iyo ng todo ang ka-date mo pagnakita ka niya mamaya.”

                Napaka-lively ng boses niya. Mai-inlove daw?! Bakit ba nitong mga nakaraang araw ay mukhang kadikit na yata ng pangalang Kuya Abo ang mga salitang ‘inlove’.

                Umiling ako. Baka kamo ‘inlababo’. Napahagikgik ako sa naisip.

                “Darling wag po masyadong malikot. Oh close your eyes na.”

                “Ay sorry po…”

                Naramdaman ko na lang yung malamig na bagay na pinapahid niya sa mukha ko. Tapos sa mata ko, halos mag-360 degrees ang rotation ng eyeballs ko. Pinuri pa niya ang mata ko dahil mahaba daw yung pilikmata ko. Yung ilong ko naman daw ay napaka-cute. Anong cute? Tapos pinuri din niya yung labi ko. Usually daw kasi sa mga bata lang daw yung shape ng lips ko. Dahil na-curious ako ay nagtanong ako. Cupid lips daw ang meron ako. Natural at nakakahumaling daw lalo at tinitigan.

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon