Desire is the essence of the man.
***
ANYA’s POV
Nagulat ako! Nasa likod ko lang pala si Kuya Abo! What?! Nanonood din pala siya?! Halos mag-blush na naman ako sa pagkapahiya kahit hindi naman niya napapansin.
“Ha?! A-anong pinapanood? Nakapikit kaya ako!” Palusot ko naman. Sana effective. Lalo pa akong nailing ng tumabi siya sa akin sa sofa.
“Sus. Nakatakip nga yang kamay mo pero nakasilip ka naman! Ahahahaha”
Grabe yung tawa niya. Ang lakas! Nag-alala akong marinig kami ni Mommy at bigla siyang lumabas. Baka isipin niyang nanonood kami ng 'ganon' ni Kuya Abo. Kaya tinakpan ko kaagad yung bibig niya. Nagulat yata si Kuya kaya naman napaurong siya at napahiga sa sofa. At dahil din sa likot ko ay nadaganan ko siya!
As in, I was on top of him! Nagkatitigan kami. At dahil sa nag-panic na naman ako ay naramdaman kong mahuhulog na ako sa sahig. Hinawakan niya ako sa bewang para sana saluhin kaya lang ay nabigatan yata sa akin kaya naman nahulog din ako sa may carpet! Grabe ang sakit sa likod! Akala ko okay na pero na out of balance din siya kaya mababagsakan niya ako! Pumikit ako. Sa laking tao nito ay siguradong mababalian ako!
5 Seconds.
Nagmulat ako ng mata. Medyo nabigatan ako sa kanya pero napansin kong itinukod niya yung kamay niya para hindi niya ako madaganan masyado. Huminga siya ng malalim. Naramdaman ko yung malakas niyang heartbeat kasi nakatukod yung kamay ko sa dibdib niya. Pero bakit parang drum effect din yung sa kanya?
Tumingin ako sa kanya. Shocks! Nakatingin din siya sa akin! Bakit ganito? It’s the same thing I felt when I see his face close to mine. Feeling ko na naman nag-blush ako. Iniiwas ko yung tingin ko sa kanya kaya lang ang malas ko. Napatingin ako sa T.V.! Shocks! Si Jack and Rose! They are kissing each other!
I looked back at him. Bakit ba ganito siya tumingin sa akin? His eyes are full of emotions. Nandon yung passion, excitement, at longing. Napakaganda. And then I saw his lips. Parang ang lambot-lambot tingnan. Naaamoy ko yung fresh breath niya. Namalayan ko na lang na tinatanggal ko na pala yung kamay ko sa may dibdib niya. I held him on his neck. I suddenly wanted to kiss him. Hinila ko siya. Pumikit ako.
He will be my first kiss…
***
12:10 A.M.
Hindi ako makatulog. Naka-upo ako sa kama ko habang nakapatong ang ulo ko sa mga tuhod ko. Nakakahiya. Bakit ba kasi ginawa ko ‘yon? Pinipigilan kong umiyak. Feeling ko napakalandi ko. Twice ko ng ginawa ‘yon. Ang i-initiate siya para mag-kiss kami. Ano ba ‘yon? Bakit ba ganon yung attraction na nararamdaman ko kapag napakalapit ko sa kanya. Is that what they call lust? Masyado yata akong na-curious sa mga napapanood ko kung ano ba yung feeling when someone is kissing you. Pati masyado pa akong bata para maramdaman ang mga ganitong klaseng bagay. Until now, affected pa rin ako sa mga sinabi nina Cecille.
Napabuntong hininga ako. Naalala ko na naman yung nangyari sa sala.
*F.L.A.S.H.B.A.C.K
Hinila ko siya. Pumikit ako. He will be my first kiss…
Naramdaman ko na lang yung malambot niyang lips sa lips ko.

BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD