kiss 34

112 1 0
                                    

A real man knows how to say ‘No’ even his body says ‘Yes’.

***

ANYA’s POV

                Popcake.

                Since dessert naman ang tawag niya sa akin dapat complimentary yung endearment namin para sa isa’t-isa. So Popcake na nga kasi kauri yun ng cupcake, minodified lang. He he tamang paliwanag lang eh.

                Ayun, so far so good, lagi kaming masaya ni Popcake. Natapos din yung auditorium na tinatrabho niya sa school. Sa katunayan, doon yung venue kung saan kami grumaduate.

                Sinamahan din niya ako sa pag-eenroll. Parehas lang kami ni Barbie ng pinasukang University. Nagka-iba nga lang kami ng course dahil business administration ang kinuha niya dahil na rin sa balak niyang tulungan ang Mommy niya sa business nito balang araw. Ako naman, kumuha ako ng BS Psychology dahil na rin siguro mas gusto kong lumawak yung patience and understanding ko sa iba’t ibang ugali meron ang isang tao. Isa si Paul sa mga naging rason ko kaya ko napagpasyahang yun ang kuhanin kong kurso.

                Mabilis ang naging takbo ng buhay ko lalo na’t araw-araw ay may bago akong natutuklasan sa boyfriend ko. Hindi ko nga alam kung mati-turn on ako o hindi sa kanya. Wah! Bakit kasi ganoon ‘yon?

                 Nga pala, na-meet ko na sina Tito Reigan at Tita Venice, parents niya. Ang alam ko nga may sakit si Tita Venice pero umuwi pa talaga sila dito galing London para ma-meet lang ako. Tuwang-tuwa nga sila kasi finally nagkagirlfriend na daw ang anak nila. Aw…. So ako nga talaga ang first girlfriend ni Kuya Abo, I mean Popcake ko!

                At pinag-usapan nila yung kasal daw namin! Wah! Hindi pa ako ready doon noh?! Buti na lang siya ang sumagot. Hindi naman daw kailangang madaliin. Willing daw siyang maghintay hanggang sa maka-graduate ako ng college. Wah!!! Gusto ko yung sinabi niya pero alam ko naman worried na sina Tita’t Tito sa age niya. Kapag naghintay pa siya, siguro at the age of 32 na siya magkakapag-asawa at ako naman 23 na noon. Hmn… kailangan ko na ring ingatan ang aking puso sa mga panahon na ‘yon para naman hindi ko siya masaktan.

***

                Noong hindi ko pa siya boyfriend, sobrang sweet niya. Niyayakap niya ako, kini-kiss sa cheeks, at hinahawakan sa kamay. Pero imbis na maging intimate kami sa isa’t-isa, kabaliktaran ang nangyari! Lalo na nung nag-college na ako!

                “Hi best!” Si Barbie. Nandito na ulit siya sa bahay namin para dalawin ako at siyempre para makita si Kuya Kier! Wah! Lalanggamin na naman ang buong kabahayan.

                “Aalis ka best?”Tanong niya sa akin. Nakabihis kasi ako ng pang-alis non.

                “Hmn… sana pero hindi pa ako tinatawagan ni PC.”

                “Gusto mo sumama? Manonood kami ng movie sa taas.”            

                “Ha? Eh ba’t hindi sa sine?”

                “Dito na lang sa sala niyo. Mas makakapagconcentrate kami sa pinapanood namin. Ano? Halika sa taas.” Yaya sa akin ni Barbie. Hinila niya na ako. Handang-handa si Kuya Kier sa plan nila. May popcorn, fries, at drinks na doon sa mesa. Naka-set up na rin yung papanoorin nila.

                “Oh sis. Makikinood ka rin?” Sa tanong ni Kuya Kier, parang ayaw niya akong kasama sa moment nila ni bestfriend.

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon