kiss 22

108 0 0
                                    

You can pretend but you can never hide.

***

ANYA’s POV

                One week na rin ang nakakaraan simula nung mangyari yung gulo sa pagitan namin nina Cecille. At one week na rin syempreng hindi pumapasok si Barbie. Sa text na lang kami nagkakabalitaan kasi sobrang daming project ang pinapagawa ng mga teachers namin. Kung kelan naman magpapasko saka sila hapit na hapit magpagawa ng kung anu-ano. Hay kainis lang talaga. Maige na nga lang tumigil na sa panggu-gulo sina payat. Siguro mga nakonsensiya din sa nangyari kay best Barbie. Alam naman kasi nilang masamang magalit ‘yon tapos ganon pa yung ginawa nila.

Tut! You have 1 message received!

                From: Guardian Angel <3

I’m sorry Hearty.

Don’t worry, I’ll make

Sure no one will ever hurt you again.

                Ano ‘yon? Bakit ganon yung text niya? I feel creepy. Bakit feeling ko sinusundan ako ng taong ito?

                “Uy ikaw na kasi magbigay.”

                “Eh wag na! Nahihiya ako.”

                “Ano ka ba ikaw na kasi!”

                Naramdaman kong may biglang bumangga sa likod ko. Hindi naman malakas kaya hindi naman ako nasaktan. Pero nagulat ako sa nakita ko.

                “Ah… He he. Good morning Anya…”

                “Eh?”

                “Eto nga pala.” Iniabot niya sa akin ang isang sobre. Napakunot-noo ako.

                “Para saan ‘to?” takang tanong ko.

                “Buksan mo muna please?”

                Wow! Nag-please pa siya! Potek! Ano na naman kayang gimik niya?! Binuksan ko yung sobre.

                You are invited to my 18th birthday.

                                                                                                                                                                -Cecille.

                Err? Ako invited? Sa birthday? Sa birthday pa ni Cecille? Weh? Hindi nga?

                Itinaas ko yung card pantay lang sa may leeg ko. Hindi ko na siguro kailangang magtanong dahil halata naman sa mukha ko ang pagtataka.

                “Peace offering.” Sagot ni Cecille. Medyo nahihiya pa yung mukha niya dahil namumula siya.

                “Sorry sa mga ginawa namin.” Si Diana. Lumapit na siya sa tabi ko pati sina Marie at Lea ay sumunod na rin.

                “Oo nga Anya. Sobrang na-guilty talaga kami sa nangyari kay Barbie. We knew how hot-tempered Barbie is but still we provoked her.” Si Diana ulit.

                “Please Anya? Birthday ko naman eh. Actually, it takes me courage to do this. Sobrang nahihiya talaga ako sa ‘yo. Pati kay Barbie. If you want isama mo na rin si Barbie.”

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon