Rivalry in love is like thug-of-war, only one wins.
***
ANYA’s POV
6:15 A.M.
This time, may dala na akong payong. Kailangan always ready kahit hindi umuulan di ba? Anyway, nandito na ako sa school. Si Kuya Kier kasi inihatid niya sina Kuya Kerwin at Ate Hitomi sa airport. Balik Japan na sila. Kasama din nila si Mommy siyempre sa paghatid. Sina Kuya Kregg naman at Ate Lavine ay dumiretso na sa bago nilang bahay sa Ayala. At yung rapist, este si Kuya Abo pala, pweh! ayun lumarga na rin at wala akong pakialam kung saan siya nagpunta.
Lumakad ako papasok sa St. Caroline Academy. May mga students na rin naman kahit 6:45 pa naman ang start ng class. Nasa third floor na ko habang umaakyat sa hagdan.
Ang lamig ng hangin. Buti na lang hindi ako nawawalan ng jacket. Sabagay, hindi naman ako nawawalan ng jacket. Kahit nga summer, naka-jacket ako. Akala tuloy ng iba, mataba ako. Ang totoo niyan, naasiwa kasi ako sa uniform namin. Okay naman sana. White collared blouse na may pink lining. May pink necktie din. Tapos above the knee naman yung dark green na skirt. Tapos dapat kasi tucked-in yung blouse sa skirt. Bale yung kulay brown na belt yung divider niya. Cute nga eh lalo na sa mga slim ang katawan. Hindi katulad kong malaman ang dibdib. Nakakahiya mang sabihin pero hindi ko talaga gusto ang tabas ng katawan ko. Kaya nga hindi ako pinapasali ng mga classmates ko nung grade school kasi nga daw, malaki daw yung akin. Kasalanan ko ba ‘yon? Kaya heto, nasanay na akong magsuot ng jacket para lang maitago ang dapat itago.
ITAGO!
Potek! Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Ang lalaking ‘yon! Wala akong pakialam kung si Kuya Abo pa siya! Napakabastos niya! Talagang pinanood pa niya ako! Nakakahiya! Wag lang siyang magpapakita sa akin dahil sisikmuraan ko siya! Pasalamat siya. Napigilan ko ang sarili ko dahil nandoon sina Ate Hitomi at Ate Lavine!
Napasimangot ako sa ala-alang ‘yon. Sino ba naman ang hindi?
¯You’re beautiful, you’re beautiful,
You’re beautiful, it’s true…
I saw your face
In a crowded place
And I don’t know what to do….
Cause I’ll never be with you…¯
Nasa may pinto na ako ng classroom namin sa may dulo ng fourth floor. Biglang nag-iba yung pakiramdam ko. Yung heartbeat ko biglang bumilis.
I know it’s him. Si Clarence de Guzman. Ang T.L. ko. Five years ko na siyang tinitingnan katulad ng ginagawa ko ngayon. Nakatingin sa may likod niya habang nag-gigitara siya at kumakanta. Nakaupo siya paharap sa may bintana patalikod sa akin. Five years na akong naghihintay na mapansin niya. Sabagay hindi naman malabong hindi niya ako mapansin. Bakit naman hindi? Eh ako lang ang maitim sa klase namin.
Dahan-dahan akong pumasok. Ang ganda talaga ng boses niya lalo kapag kumakanta siya. Mas lalo tuloy akong na-i-inlove sa kanya. Napa-upo ako kahit hindi sa upuan ko. Ayaw ko rin namang ma-disturb siya sa ginagawa niya. Sa harap lang kasi ni T.L. yung upuan ko. Nakapatong yung kamay ko sa arm chair habang nakapalumbaba. Napapikit pa ako kasi sobrang nag-e-enjoy ako sa pagkanta niya.
¯ You’re beautiful, you’re beautiful,
You’re beautiful, it’s true…
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Fiksi RemajaDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD