Changes are meant for a new start with a good intention.
***
ANYA’s POV
“Ma’am ano pong gusto niyong haircut?” Tanong sa akin sa salon na pinutahan ko. Kasama ko din si Barbie. Gusto rin daw niya kasi magpagupit at magpa-new look.
“Hmn…kayo na pong bahala?” Sabi ko. Wala kasi akong idea sa mga hairstyles na ‘yan.
“Ay teka best, akong magdedecide.” Salo ni Barbie. Kinausap niya yung baklang naka-assign sa akin na ang name ay Key as in kei.
“Pantayin niyo na lang po yung buhok niya na hanggang dito.” Sabi ni Barbie na itinatapat yung kamay niya sa may collarbone niya.
“Pakilagyan din siya ng bangs. Paki-rebond din po ng hair niya tapos i-curl niyo po yung dulo. Lagyan niyo rin ng hair color. Mas bagay sa kanya yung may shades of brown. Dun naman sa kilay niya…”
Wah! Eh bakit pati kilay ko gugupitin?!
“…ipantay niyo yung kulay sa buhok niya. Pa-ayos lang po ulit nung shapes.”
At makalipas ang halos anim na oras, natapos din kami. Hindi na ako tumutol sa gusto ni Barbie dahil alam ko namang ipagpipilitan lang niya ang gusto niya. He he pero infairness, love ko yung new look ko.
“Ayan! Lalo ng ma-i-inlove sa iyo nan si Kuya!” Sabi niya. Bigla ba naman akong nagblush.
Wah!!! Sana nga magustuhan niya!
“Okay din ba yung new look ko best?” Tanong niya. Pinagmasdan ko siya. Ang haba ng pinutol sa buhok niya. Pantay na sa may chin niya. Nagpalagay din siya ng bangs at nagpakulay na rin. Medyo nagba-violet yung buhok niya pag tinatamaan ng sinag ng araw.
“Sobra best! Lalo kang naging cute! For sure mai-inlove lalo sayo si Papa Drake!” Iniexpect kong makita ang mukha niyang kinikilig pero iba ang rumehistro sa mukha niya.
“Oh bakit best?” Takang tanong ko.
“Hmn… yun nga pala best. Di ko pa nasasabi sayo… Ahm… next time na nga lang!” Sabi niya. Lumungkot yung mukha niya tapos pinilit ngumiti.
“Pa-Tan tayo best!” Sabi niya sabay hila sa akin. Hindi ko na siya nagawang tanungin dahil halata namang umiiwas siya.
“Uy uy… anong tan ka diyan?! Kailangan pa ba ‘yon?! Ano ka ba best? Lalo mo ba akong paiitimin!” Angal ko. Hinihila pa rin niya ako hanggang makapasok kami sa katabing derma clinic.
“Eh kasi nawawala na yang exotic beauty mo! Ayan oh? Tingnan mo, hindi na pantay ang kulay mo. Anong ginagamit mo ha? Umiinom ka ba ng pampaputi?” Sabi niya with matching panlalaki ng mata niya.
“Oh eh pangarap ko ngang pumuti. Pati papaya soap lang naman ginagamit ko best.” Paliwanag ko. Gusto ko kasing gayahin si Lola.
“Eh maganda ka naman kahit hindi ka maputi. Ang ganda kaya ng balat mo.”
“Anong maganda dito eh maitim nga best. Pa-bleach na lang ako.”

BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Teen FictionDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD