kiss 19

122 0 0
                                    

There’s always a reason behind everything. Just be thankful that even in the midst of trials, you can still find a strong and a brave heart within yourself.

***

ANYA’s POV

                “Anong meron sa Yaya mo at Kuya Kier?”

                Tanong ko kay Barbie. Nasa kwarto niya na kami. Pinahiram niya muna ako ng damit. Si Drake nga pala ay umalis na para pumasok na daw sa work nito sa resort.

                “Hmn…. I don’t know.”

                Kibit balikat ni Barbie. Umalis siya sa kinatatayuan namin sa may bintana at umupo sa may couch. Mula sa bintana ay nakikita namin si Kuya Kier at Yaya Bell  na naka-upo sa may bench habang nag-uusap sa may ilalim ng punong mangga. Sumunod ako kay Barbie pero doon ako sa kama niya humiga ng padapa paharap sa kanya.

                “One month palang naman dito si Yaya Bell. Kaya wala pa ako masyadong alam sa kanya.”

                “Pero di ba napaka-sweet ng Yaya mo?”

                “Tama. She’s like an older sister to me. Maasikaso siya at mabait pa.”

                “Paano mo nga pala siya naging Yaya?”

                “One month ago, I saw her walking at the sidewalk. Nakita ko siya mula sa bintana ng kotse. Para bang wala sa sarili? May daladala pa siyang maleta. She was so sad that I realized that she was actually crying. Tapos habang tinitingnan ko siyang naglalakad, bigla na lang siyang hinimatay.”

                “Oh tapos?”

                “Ayon, nagpanic ako kaya sa bahay ko siya dinala. Tapos nung nagising na siya, nagpasalamat siya sa akin. Aalis na sana siya kaya lang pinigilan ko. Sabi ko dadalhin ko siya sa hospital para masiguradong okay na siya. Pero tumanggi siya. Nahilo lang naman daw siya gawa ng init. Tapos nung aalis na siya, bigla siyang umurong. Naghahanap daw siya ng trabaho. Eh since umalis na yung dati kong yaya, siya na lang ang kinuha ko. Ayun! Interview portion tapos nalaman ko din kung bakit naglalakad siyang mag-isa at umiiyak pa .”

                Tumayo si Barbie at umupo sa gilid ng kama.

                “Anong sabi niya?”

                “Lumayas daw siya.”

                “Ha? At her age? Nagawa pa niyang lumayas?”

                “Hindi daw kasi siya matanggap ng taong mahal niya. So ayon na nga yung reason niya. Alam mo bigla kong nakita yung sarili ko sa kanya.”

                Tumingin ako kay Barbie. Kumuha siya ng unan. Humiga rin siya patihaya habang nakapatong sa mga braso niya yung ulo niya.

                “Bakit naman  best?”

                “Minsan, naisip ko na ring lumayas. Gusto ko kasing malaman kung sino yung mga taong maghahanap sa akin pag nawala ako.”

                Inakbayan ko siya sabay sabing “Ako hahanapin kita best.” Ngumiti siya pagkatapos.

                “Yung mga tao kasing nagagawang mag-isip lumayas eh hindi kuntento sa kung anong meron sa kanila. At kaya sila umaalis eh para na rin hanapin yung bagay na gusto nilang makuha.” Saad pa niya.

Your Kiss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon