You are beautiful in every way.
***
ANYA’s POV
“Hi best!”
Nakita ko si Barbie papalapit sa akin. Nasa classroom na kami parehas. Tiningnan ko siya ng matalim sabay inirapan ko siya.
“Ouch! Si best naman. Problema?” Ang lupit talaga nito. Parang walang alam.
“You betrayed me!” Hindi ko talaga siya tinitingnan para malaman niyang hindi ako nagbibiro. Hindi siya nagsalita pero agad niya akong niyakap. Naku naman, manlalambing na naman kapag may kasalanan siya sa akin.
“Hmn… sorry na talaga best. Hindi naman kita ipagkakatiwala sa kanya kung hindi ko siya kilala di ba?” Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa tabi ko.
“Kilala? Hello Barbara, matagal na nga natin siyang kilala pero matagal din siyang nawala. He could change a lot.”
“Eh nagbago ba?”
Ang ganda ng ngiti ni Barbie. Parang may halong panunukso.
“Naku?! Kung alam mo lang kaya!” Sagot ko pero tinawanan niya lang ako.
“Pero infairness Best. Ang gwapo ni Kuya Raven ngayon. Ang sexy! Nakita mo ba yung braso niya? Puro maskels!”
Err. Nag-iba na naman ng timpla si Barbie. Talande mode siya ngayon. Yung maskels nga pala eh pronunciation niya ng muscles okay?
“Ahahahahah”
Humagalpak pa ng tawa si Barbie. Nakakaloka ‘tong babaeng ‘to. Hindi mo halatang ganito siya kasi naman napaka-amo ng mukha niya. Kung baga sa hayop, isa siyang pusa.
Wagas lang makapag-compare ng tao sa hayop ano?
“Alam mo bang inibangan pa niya ako sa house? Kaya nga hindi ako nakapasok ‘non kaagad. Hindi ko rin siya agad nakilala kasi nga he looks so nice ngayon.”
“Ui Barbara. Alalahanin mo may Drake ka!”
“Best ha? Nakakadalawa ka na. Barbara ka diyan?! Yeah I know. Siyempre akin si Drake. Kinikilig lang ako sa inyo ni Kuya Raven!”
“Kinikilig?!” Ulit ko pa. Ano bang nasa isip nito ni Barbie at may pakilig-kilig pang nalalaman?
“Yup best! Kinikilig talaga ako sa inyo. Infairness, ang gwapo ng manliligaw mo!”
“Hello?! Si Anya? May manliligaw?!”
Napatingin kami sa may pinto. Sina Cecille, ang payatot kong classmate at ang tatlo pa niyang maaarteng mga alipores na sina Marie, Lea, at Diana. Simula pa nung grade school kami, sila pa rin ang malakas mang-asar sa akin. Bakit ba kasi hindi na sila napahiwalay sa landas ko?!
“At gwapo pa daw?!”
Mapang-asar na singit ni Lea. Hindi na lang ako umimik. Ganon naman ako. Pinababayaan ko na lang sila. Bahala silang mamatay sa panghuhusga. Hmp!
BINABASA MO ANG
Your Kiss (COMPLETED)
Ficção AdolescenteDon't be fooled with just a simple kiss . . . wag atat XD