Shania Pov.
Kagagaling ko lang ng starbucks kanina, medyo tumambay pa nga ako dun eh kaya nalate ako sa school HAHAHAHA.
Tropa ko na nga yata mga nagtratrabaho dun eh, si ate at kuya sa counter, si kuyang waiter, si kuya guard. Oo ate at kuya lang tawag ko sakanila, sila kilala ako, sila hindi ko kilala ahahaha.
Syempre hindi ba ako makikilala sa ganitong mukha? At sa araw araw na shania at seung ang nilalagay na pangalan sa coffee ko?
Tyaka alam niyo ba! May trivia ako, andami ko ng baso ng starbucks sa bahay! Nakatago sa secret cabinet ko! Hahaha! Baka makita ni yiella eh.
Tyaka pagbored ako dun, nagsusulat ako sa starbucks planner ko, iniiwan ko dun yung planner ko lagi kay ate. balita ko nga na, ilang years na silang nagtratrabaho dun eh, wiw sana forever na sila dun kahit wala naman talagang forever.
Minsan naman nagbabasa ako ng wattpad dun xD
Ohkay, Ngayon, nasa klase ako, at tapos narin ang lunch break.
*blaag!*
Nagulat ako pati ang lahat sa room..
Natumba yung classmate namin kasi naandun siya mismo sa pinto, babae pa at hindi niya lang pinansin. Nagtapon kasi siya ng basura tas bigla ba namang bumukas.
"Mr. Aquines!"sigaw ni maam pero hindi siya pinansin ni aquines, hello? Sino ba siya at papasok lang siya bigla bigla sa nagklaklase?
Oo Aquines nga. Wag pilosopo! Tss haha.
May hinahanap siya sa room, at maya maya mukhang wala yata dito ang hinahanap niya tas bigla siyang umalis at hindi man lang sinara ang pinto na parang walang tao. O di man lang nagsorry sa babae naming kaklase na kasalukuyang umiiyak.
Patay siya, teacher namin ngayon ay strict.
Sumunod si maam.
"AQUINES!"sigaw ni maam.
Nakakatakot.
Nakauniform ang lalaking yon kaya alam naming schoolmate lang namin siya. Mukha ngang may problema siya eh.
Ganun na nga talaga ang mga kabataan ngayon.
Elementary pa lang may kasintahan na, nagiinom na, nagyoyosi pa.
Highschool pa lang, kalandian na agad ang nasa isip.
Di naman kasi natin to kayang pigilan. Minsan dahil to sa problema sa pamilya natin o sa buhay, sa pagibig o sa kaibigan.
Minsan nga sa sobrang pagkadepress natin di natin namamalayan, nakakagawa na tayo ng mali.
Tulad niyan, may problema yata sa pamilya, kaya siguro, nakakasakit na siya ng tao at siguro napapabayaan na niya ang kaniyang sarili.
At kung iba na yan, nako! Wag ka ng magkamaling isipin na ang problema niyan ay sa pagiisip!
Noon, naging baliw ako o di ko alam kung problema ba sa pagiisip o ano.
Ewan pero palagi akong asar talo noon, palaging go lang ng go hanggang sa malaman mong isa ka palang malaking tanga! Minsan nakakahiyang isipin ang mga nakaraan na yon.
Andami kong kabobohan na ginawa noon, maging bastos sa guro, palaging inaasar o binubully, isang walang pakealam sa grades, isang walangyang babae na parang lalaki!
Oo ngayon ko lang narealize yung mga yon.
Ganito pala talaga kapag alagang yaya, palagi daw kasing wala sila mama at nagtratrabaho kaya naiiwan ako sa mga yaya ko noon.
Grade 5 lang nun tyaka ako nagbago, nakalimutan ko na ang mga karangyaan ko noon at alam kong medyo ganun din ang problema ni kuya aquines bayun.
I actually can understand him.
And guess what? Ive learned something again.
Yung girl pinapunta sa clinic, tas kami ni akira, dahil last class nato, nagchismisan na lang kasama yung mga bakla.
Oo tropa na namin yung mga bakla hahahaha.
------------------
Ganito pag inspired, nakakadami ng ud! HAHAHAHAHA >\\\\\\\<
![](https://img.wattpad.com/cover/22461885-288-k476473.jpg)
BINABASA MO ANG
Maling Akala
أدب المراهقينKung ikaw ay nagkamali at nagsisisi, Wag mong hayaang mapabayaan ang sarili, Bigyan ng panahon ang pag-iisip, tyaka magdesisyon ng tamang sasabihin.