Shania Pov.At talagang makukulit tong mga to, wala na akong nagawa!
Andito sila yiella sa bahay, hapon na rin. Kanina kinukulit lang nila ako kung bakit hindi ako pumasok at wala naman daw akong lagnat. Mabuti na lang at biglang dumating si yiella kagagaling lang sa school at nagyayang tumambay dito, actually iniwan nila si yiella sa school at inunahan, ang tagal daw kasi. Hahaha. hanggang sa nakalimutan na nila at nagseryoso na nga sa mga ginagawa nila.
Binigay din saakin ni yiella yung money na napalanunan ko dun sa music video na yon.
taray! May halaga pala yun! Hinati lang daw ni jake yung pera. 4,000 lang yon at tignan mo nga naman, 2,000 lang yung nasakin.
Pero dibale na! Siya naman ang nagayos ng lahat. Kumanta lang naman ako at nakikain pa sakanila. At 2,000 lang naman yan. Nilagay ko na lang sa piggy bank ng kapatid ko yung 2,000.
Nasa living room kaming lahat at ako nama'y nakaupo sa may computer.
Nakaupo sila sa couch habang nakain ng apat na big size ng piatos at nainom ng coca-cola can, busy sa Television. (Yiella, Cammille & Akira)
Ang iba nakadungaw sa laptop ko nakaupo sila sa sahig at nakasandal sa mahabang couch, pinapanood nila yung Twilight don. (Cristy & Clarisse)
Mga nakapangbahay naman ang suot nila. Alangan namang uniform diba?
At siyempre ako nagbabasa sa wattpad.
RootBeer can ang nasa akin at isang maliit na MangJuan na green.
Ang tahimik nga eh! Haha! Si Akira at Camille lang ang mahinang nagdadaldalan sa Tablet ko doon sa may couch katabi si yiella na seryoso habang nanonood ng anime.
Ng may biglang kumatok.
"Open!"sigaw ni yiella.
Ng biglang bumukas.
Di ako lumingon man lang, pati sila clarisse din siguro dahil busy nga talaga kami.
"Oh! Kristaaal!"sigaw ni yiella.
Napatingin naman kami sa kanila.
Naghug silang dalawa.
Kamukha niya si Myrtle ng pinoy big brother.
Mahilig siguro to sa anime. Dating palang eh.
"These are my galpals! Kindly Meet them!"sabi ni yiella.
Nginitian lang namin siya.
Nilog out ko muna yung wattpad ko tyaka ako pumuntang Kitchen na katabi lang ng living room.
Sa bahay kasi nato, ang mga may private room lang ang may pinto. Like Comfort Room, Like Bed rooms, etc.
Tinapon ko na yung mang juan sa trash bin at kumuha ako ng apple. Kumuha din ako ng coca-cola can at ibinigay ko yon kay kristal.
Yung apple naman kinakain ko. Kinuha ko yung monopoly.
Tinatamad na akong magbasa kaya naman nakisiksik na ako kaynila yiella.
"Tara laro."sabi ko. Tumango naman sila.
Si kristal ay nanood din sa twilight.
"Guise may ma instagram lang! tara selfie!"sigaw ni akira tyaka kami nagpose ng makita naming lahat ang sarili namin sa tablet.
"Blurred naman!"sigaw ni Cristy.
"Isa pa! Teka lang! Magaayos muna ako."sigaw ni clarisse.
Nagayusan naman sila. Ako perfect naman ako kahit hindi na hahaha!
BINABASA MO ANG
Maling Akala
Подростковая литератураKung ikaw ay nagkamali at nagsisisi, Wag mong hayaang mapabayaan ang sarili, Bigyan ng panahon ang pag-iisip, tyaka magdesisyon ng tamang sasabihin.