"im sorry for not being there when you're sad. sorry for being so cold and being so stupid. but now you're crying i think you might need a little help."
hindi ko alam, Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nagpumiglas o ano, Basta ang alam ko, he's hugging me at my back.
umiiyak parin ako.
"iiyak mo lang lahat, naandito lang ako"
sa sinabi niyang yon, kumuha ako ng sapat na lakas para tulakin siya sa pagkakayakap niya saakin.
"tapos ano? iiwan mo namaman akong nakatanga at iisipin kung bakit mo ako nilalayuan? ha? Sa tingin mo ba ganon lang kadaling lapitan mo ako ng ganyan? na parang walang nangyare?"
sabi ko at tumingin sa mga mata niyang tila naawa.
"Akala mo kasi natutuwa ako sa mga ginagalaw mo eh. akala mo, Masaya ako, na nilalayuan mo, pero akala mo lang yon jake! nasasaktan ako! at bakit? bestfriend kita at Nilalayuan mo ako pero hindi lang yon ang dahilan kung bakit nasasaktan ako, Sa tagal tagal ba naman ng pagiging malapit mo saakin, doon ko narealize na gusto pala kita. Sa dinami dami ng pinagsamahan at pinagagagawa natin, Hindi ba pwedeng nagkaroon man lang ako ng kahit kaonting pagkagusto sayo? Na ngayong inaamin ko na, na mahal na kita! Higit pa sa Kaibigan! NAIINTINDIHAN MO BA AKO? HA!"
umiiyak na ako ng sobra sa harap niya, hindi siya makatingin saakin ng deretso.
"i-im sorry, shania"
mukhang may idadagdag pa siya pero pilit akong ngumiti ng lumingon siya saakin na dahilan upang mapatigil siya.
"Tama nga ako." at naglakad na ako papalayo, ni hindi man lang niya ako sinundan, pero ramdam ko paring hindi siya umaalis sa pwesto niya na yon.
Dapat hindi na lang ako umamin. Tama nga akong walang kwenta ang pag-amin ko. Dapat hindi na lang ako nagkagusto sakanya,
dumaan ang sobrang daming araw at malapit na ang fieldtrip namin sa Boracay, at ek, mukhang ewan lang no? Asan ang educational dun?
Busy din ang mga tao, ngayon sa school may mga sports players, whizzers, fashion shows, clubs na magaganap at naganap na.
ni isa, wala akong sinalihan. pero etong clubs nato, masyadong mapilit kaya naman ang sinalihan ko lang ay ang Music Club kung saan may choir at mga mahilig kumanta o gumamit ng instruments.
ngayon ang pinagtutuunan ko ng pansin ay ang field trip, ilang araw narin ang lumipas and he's still acting coldly against me, halos lahat sila, They were acting cold just like me.
Hindi narin ako umuuwi ng bahay, palagi daw kasing bumibisita si clarisse doon, kapal ng mukha eh no? si yiella nakabati ko na. at kasalukuyang sa kanila ako nakikitira.
well, si yiella ang unang nakipagbati, siya nga ang nagsorry eh, agad ko namang pinatawad. pareho naman kaming may kasalanan.
naikwento ko narin kay yiella ang lahat, pinagkakatiwalaan ko pa naman siya kahit na nagaaway kami eh, Ni hindi niya nga ipinagkakalat kung sino mga nagugustuhan ko.
Nasa classroom ako ngayon at after a day fieldtrip na yaay!
We were actually using tablets, ng magbreak nakita ko na si Herenven.
"yo shania"
"kumusta herenven? sorry ah, Busy kasi ako lagi"
pero ang totoo niyan eh, hindi naman talaga ako busy palagi, Tinatamad lang akong ayusin lovelife nila hahaha! shh lang kayo!
"okay lang. Pero, Nabalitaan mo na ba?"
"ha? ang alin?" sabi ko, frowning.
"break na kami, at nakamove on na ako"
nagulat ako sa sinabi niya "How come you moved on so far?"
"Hindi naman ganon kabilis ang pagmove on ko, narealize ko lang talaga na hindi talaga kami para sa isat isa at maghahanap na lang ako ng iba., or i mean wag na lang pala. Tyaka Shania, Nasaktan na kasi ako ng ilang beses, siguro tama na muna no. ititigil ko na muna ang magmahal" sabi niya habang hawak hawak ang magkabilang braso ko.
"mabuti naman kung ganoon"
ngumiti ulit siya. at alam kong pilit, dahil halata sa mga mata niyang hindi pa talaga siya nakakamove on, "salamat na lang, paalam"
onti-onti siyang papalayo hanggang sa . .
may naramdaman akong humila ng buhok ko.
"araay!"
"ikaw talaga napakalandi mo!"
hinarap niya ako sakanya, dinala niya ako sa gilid ng school.
"Watch your words, Teachie"
"wow ha. may nalalaman ka pang pawatch your words diyan, Shania. Eh halos na yata ng lalaki dito, kilala ka eh!"
"haha. You're just jealous bitch," patawa tawa pa ako habang sinasabi.
Hinila niya ulit ang buhok ko, "aray! ano ba!"
sa sobrang sakit hinila ko din ang buhok niya. pero hindi ko maabot, punyeta kasi bat hindi pa ako nagaaral ng taekwando o karate man lang para makalaban man lang ako kahit na hindi humihingi ng tulong eh. no?
"Teachie! Tumigil ka nga!" isang sigaw ng lalaki na pamilyar ang boses. si Dax.
inawat siya ni Dax at Kai
nakita ko naman sila Akira at Cammille na kasama si yiella at lian.
"HOY NA BABAE KA! BAKIT MO SIYA--" pasigaw na sabi ni Cammille, muntikan na niyang sugudin si Teachie kaso pinigilan siya ni akira.
"okay ka lang?" tanong ni lian at hinawakan ng mahigpit ang mga braso ko kasi umiiyak na talaga ako. siguro nangigigil siyang pinaiyak ako ni teachie, halata sa itsura niya eh.
punyeta OO . OKAY LANG AKO SHET, HALATA NGA EH. Shet.
marunong naman akong lumaban eh, pero hindi ako sanay ng May hilahan ng buhok! tangina mahilig lang akong mambara, manira at manampal ng kaaway! pero wala akong sapat na lakas para makalaban!
"let go of me!" maarteng sabi ni teachie.
napadaan si jake sa hallway kasama ang mga kaibigan niya at tumingin sa amin ni lian.
pumunta sila saakin. "anong nangyare lian?" tanong ni jake kay lian at sinamaan siya ng tingin.
binitawan ako ni lian dahan dahan at umiiyak ako sa mga palad ko.
"Si teachie? ayan, Pinaiyak siya"sabi ni lian.
kwinelyuhan ni dax si teachie, "wag na wag mong gagawin yon kay shania. sa oras na ulitin mo pa yon, hinding hindi na ako magkakamaling sirain ang buhay mo"
"Dax.." basag kong sabi.
halos lahat sila naawa saakin base sa itsura nila.
"Let her free. Babae parin siya. wag kang magalit sakanya" sabi ko. nyeta kasing teachie to.
"Wala kang alam shania, etong babaeng to, pinatay niya ang kapatid ko. Ano pa ba? nagselos siya sa kapatid ko! kasi yung kapatid ko may gusto at malapit siya sa gusto ng babaeng to, Kaya hindi na ako magkakamaling tulungan ang iba pang idadamay neto!" galit na galit na sabi ni dax, halos lahat kami gulat na gulat.
Ang galing talaga netong si dax eh no. Seryoso minsan, minsan hindi, pucha Akala mo walang kasalanan si teachie sakanya pero meron pala, hindi ko talaga maintindihan ugali ni dax, natitiis niya parin ang babaeng yan. kahit na kapatid niya pa ang pinatay.
hinila niya si teachie papalayo. taena eksena to. kakalat shet.
umalis narin si lian ng nakahawak sa pocket niya.
pumunta saakin si yiella akira at cammille.
"Incase you guise dont know, minahal ni dax si teachie noon kaya wag na kayong magtaka kung bakit buhay parin si teachie ngayon" sabi ni Kai at lumayas.
umalis na rin si jake ng walang pasabi at sinundan yata nila si Kai.
pinunasan ako ng luha ni yiella, Cammille give me water. And Akira just sighed. Hay life parang buhay, shet!

BINABASA MO ANG
Maling Akala
Novela JuvenilKung ikaw ay nagkamali at nagsisisi, Wag mong hayaang mapabayaan ang sarili, Bigyan ng panahon ang pag-iisip, tyaka magdesisyon ng tamang sasabihin.