Chapter 26

1.1K 129 34
                                    

Days

Weeks

Months

Ilang buwan na ang lumipas mula ng kinasal kami pero parang ilang araw lang.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hanggang ngayon wala padin akong alam sa mga bagay bagay.

May mga hinala ako pero ayoko namang pangunahan at hindi pa ko pa naman alam ang mga katotohanan.

Hindi kami bumili ng bahay dito abroad at nag rent lang. Pinigilan ako ni Ximena na bumili dahil sinabi niyang hindi daw kami magtatagal dito.

Nagtaka ako. Dahil alam ko na hindi na ako babalik pa ng Pilipinas pero siya sure na sure pa. And she's right.

We need to go back.

Nakamasid lang ako kay Ximena habang nag aayos siya ng gamit. And you know what? Nabawasan pagka baliw niya pfft. Lagi ko kasing sinisiguradong wala siyang pag seselosan kahit sino oh ano.

Specially Maya. Kapag nagkakapalit sila ay pinapaalam din agad sakin ni Maya. Kahit na halata ko nadin naman.

Ilap na siya sakin at lagi akong iniiwasan. One time tatlong araw siyang may control at feel ko na maghihiwalay na kami ng asawa ko dahil ni hindi niya ako matignan at maka usap.

And Oliver?

Ayun iwas na iwas din sakin. Hindi ko tuloy ma interrogate. Siya na ang may hawak ng kaso ng mga Alvarez pero ayun binabalik na sakin. Request ng higher-ups and Ximena's Uncle. May isang witness daw kasi ang nagpakilala

Hindi na daw niya kaya ang konsensya kaya lumapit na siya sa mga pulis. And his request? Sakin niya lang daw sasabihin ang mga nakita niya. Kaya eto kailangan naming bumalik ng Pilipinas.

It's September 25. Ilang araw nalang at mag limang taon na ang krimen na nangyari sa family nila.

Speaking of her Family. 101 percent sure akong wala siyang kambal. Wala sa lahi nila yon.

It's both her. Two Ximena in one timeline. I'm sure of it. Just means na nag time travel din siya. Kaya siguro may alam siya sa situation ko. And you know what's so frustrating about that?

Wala siyang balak na sabihin sakin ang mga alam niya. Dapat daw ma satisfied muna siya sa kasal namin. Hays

'Ximena hindi kapa ba satisfied?'

"Not yet" hmm?

"What?" Bigla kasi siya nagsalita

"Hindi pa ako satisfied" Oww akala ko sa isip ko lang nasabi

"Ano bang magpapa satisf--"

"Soon. You'll know it soon." Pigil niya sa sasabihin ko. Napa buntong hininga nalang ako at niyakap siya sa likod. Nag eempake kasi siya ng mga damit namin

"Ang clingy mo na ata masyado Officer. You love me now?" Hindi ako sumagot at pumikit lang.

I don't want to

.
.
.

"Leigh! I'm here!" Sigaw sakin ng isang babaeng pahamak ang pangalan.

"What? Gaano ba ka emportante kasi sasabihin mo? Alam mo namang selosa asawa ko eh" Sabi ko kay Honey, pinapunta niya ko dito sa rooftop ng company niya at may importante daw siyang sasabihin.

"Break up with her. She's not good for you" mabilis na sabi niya paglapit ko.

"What's wrong?"

"Ughh ahm ugh basta just stay away from her! You'll regret everything pag tinuloy mo pa ang relationship nyong yan and please don't go back to the Philippines. Just stay here" Teka she's serious.

UNRAVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon