Chapter 16

1.4K 145 20
                                    

"I love you so much that no one can stop me from coming back"

"Kelan pa? Ahm yung tinanong kita about sa kung ano ang gagawin mo sa taong pumatay sa Papa mo." Pag iiba ko. Nag iwas din ako agad ng tingin. Unti unti na akong natatakot. Calm down.

"Minimal nalang after. Pinakamatagal na noong may lumalandi sayo sa harap ko mismo kaya nasampal ko ng pagkalakas ang babaeng pinag lihi sa Kalan. Then after non doon na sa bahay bakasyunan namin, yup ako kausap mo ng tinanong mo yon. Ako din nag pasya na sumama sayo, not her" so matagal tagal din, pero sino kaya sa kanila ang bumati sakin ng Happy birthday?

"Sinabi ng isang Ximena ang nangyayari kay Adaline kaya tinaasan nila ang dosage ng gamot ko. Hirap na akong makabalik ng matagal. If ever man, minute or seconds lang. Maabutan ko nalang nag hahalikan na kayo. Just Fu**! You don't know how jealous I am" Napapangiti ako bigla.

"You know that feeling na para akong nakatulog bigla then pag gising ko may mangyayari na satin then nandoon na sana kaso bigla ulit akong makakatulog at pag gising ko ulit tapos na. Ughh kainis tala-- yah! Bakit kaba tumatawa dyan!" Sa sobrang inis nalusak na yung orange sa kamay niya.

"S-sorry hahahahaha nakakatawa lang na nag seselos ka sa sarili mo. It's your body too ouch!" Hinampas niya lang ang braso ko.

"It's different! Hindi ko na feel at wala akong memories to treasure!" Mas lalo lang akong natawa. Pfft hilarious.

"Per--"

"Stop it. Iba ako sa kanya okay? Tigil tigilan mo nadin pag tawag ng Xime oh Princess sa kanya! Oh Ximena manlang"

"Hahahhaha eh ano gusto mo itawag ko sa kanya?" Natatawang tanong ko. Childish din to minsan eh noh.

"Kahit ano. Fake, Freek, Mutchacha basta wag lang ang pangalan ko kahit sabihin nyo pang iisa lang kami" Hmm wala ako maisip.

"Angel? Kasi ikaw yung Demon pfft Ang--"

"No. Parang tunog endearment eh. Ayoko" Napa iling nalang ako. Ayaw naman niya. Siya nalang pag iisipin ko. Nagpa tuloy lang ako sa pag babalat ng prutas.

"Maya" (Miya daw po ata ang pag pronounce XD)

"Ano po?" Tinignan ko siya.

"Just call her Maya. Her name" Bigla ata siya nag seryoso. Teka si Ximena pa ba kausap ko?

"Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Ako padin to. Naalala ko lang noon. Hirap pa siyang tanggapin ang situation. Kapag tinatanong kung ano ang pangalan niya. Ang lagi niyang sinasabi ay Maya" Nabasa niya ata ang nasa isip ko.

"Why though?"

"Ewan ko. Sa kanya mo itanong"

"Maya means Dream and Illusion" Sabi ko. Hindi naman na siya nag salita.

Hmm tumahimik ata siya ah. May mali ba akong nasabi?

"Princess? Uy Princess ko? Xime?" Pangungulit ko

"What? Iisa kapa ba?" Sabi niya pfft baliw.

"May mga tanong pa ako. How about yung birthday ni Harlee? Do you remember what you did?" Nag isip pa siya saglit tapos ngumiti din.

"Hmm wait, 50 50? Nakikipag agawan ako ng control non. And nag succeed naman ako na gawin sayo yon. And the rest halos siya din, it's both of us" sabi ko nga. And I'm sure noong huminto na siya eh si Maya na ang may full control.

I can still remember that night. Sure talaga akong may balak siyang gawin iyon sa garden nila Harlee habang hinahanap kami ni Hideo.

"And yung sumira ng keychain?"

UNRAVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon