Chapter 8

1.6K 168 20
                                    

"Yah!! You two! Umaga na hindi pa ba kayo tapos dyan! Nagugutom na ko!!" Rinig kong sigaw ni Mireya sa labas.

"Ang ingay ng bestfriend mo" bulong ko sa babaeng katabi ko.

"Ignore her" she said. Well kanina pa kami gising at magkayakap lang ngayon.

"Isa!! Sisirain ko itong pinto sige" kung kaya niya.

"Let's go" hinalikan ko muna siya bago tumayo at nag bihis. Siya naman dumiretso sa shower.

"Seriously Mireya? Pwede ka namang kumain na dyan" tinaasan niya lang ako ng kilay.

"I don't know how to cook. And my gosh! Mag damit ka nga muna ng maayos!" Maayos naman ah.

"I'll cook" sabi ko at inirapan niya lang naman ako. Isang linggo na siyang nang gugulo samin.

"I'm still amaze you know. Parang ang normal ng relationship nyo" sabi niya at naupo sa dining table.

"Normal nam--"

"Pfft of course not. I don't like you, Officer. Yang aura mo sumisigaw ng isang malaking 'PRETENSE'. Why?" Hindi ko siya tinignan at hinanda lang ang mga lulutuin ko.

"I'm asking" natawa nalang ako. Hmm

"Charity?"

"Oh gosh you're worse than I expected. Hmm anyway, is not that concern ako kay Ximena. She's not stupid naman" and I agree. She's not. Alam niya

"I'm concern about you actually. Don't underestimate my best friend" Napangiti lang ako. Never.

Hindi na siya nag tanong pa kaya nakapag luto ako ng payapa. At nang nag hahanda na ako ng pagkain sa lamesa ay naramdaman ko nalang ang yakap niya sa likod ko. Kaya naman automatic akong humarap para bigyan siya ng halik

"Good morning Princess"

"Geez as if di nyo nasabi yan kanina. Let's eat!" Kumain nalang kami at hindi matatahimik itong isa.

Sa kabaitan nitong isa ay ako nadin ang nag ligpit ng mga pinag kainan namin. Ayoko namang utusan din si Ximena. After mag hugas ng pinggan ay nag shower nadin ako at nag ayos.

Naabutan ko silang nag uusap at nag tatawanan sa sala.

"Ngayon ko lang naisip. Ximena plus Analeigh. Ship name nyo si Ximeleigh? Pfff walang Ximeleigh! Ang Ximeleigh ay nasa puso ng ta--ouch! I'm kidding, KJ naman nito" Binato na kasi agad siya ni Ximena.

"But I love it. A Miracle?" Naka ngiting sabi ni Ximena. I also smiled. Lumapit na ako sa kanila at mag papa alam na sana ng tignan ako ni Mireya at. . . .

"Edi Miracle ipangalan nyo sa future child nyo" Mapang asar na sabi niya. Imposible, not because we're both girls but. . . . . Hindi kami magtatagal.

"Ahm so I think I need to go. Kanina pa ako tinatawagan ni Oliver" sabi ko at humalik na muna kay Ximena. Wala siyang class ngayon kaya baka mamamasyal lang sila ni Mireya

"Okay, take care Officer" naka ngiting sabi niya. She's really beautiful.

"Mag ingat din kayo. And baka hindi muna ako maka punta dito sa mga susunod na araw. Lock the door okay?" Paalala ko sa kanya.

"Layas na. Dami pang alam eh, I'm here po ano? Para kayong mga lola ko. Di mapag layo kainis"

"Oo na po Ms Mireya. Paki alagaan ang Princess ko ha" natatawang sabi ko. Tinignan niya lang naman ako ng masama.

Hinatid pa ako ni Ximena sa may pinto habang nakayakap siya sa likod ko. Parang bata na ayaw umalis ang ina. Cute.

"Bawal ba ako sumama?" Pfft alam kong naka pout na siya niyan kaya hindi ko siya nililingon.

UNRAVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon