Back. . . .
Votes and Reviews lang. Oks na
.
.
.
HermesTheTrickster----------------------
Agad akong lumabas ng bahay kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Bakit ba nangyayari sakin to. Gusto ko lang naman ng normal na buhay.
"Fuc* saan at pano na naman ako magsisimula?" Paulit ulit na sabi ko habang naglalakad sa kawalan. Hindi ko namalayan ay napunta ako sa centro ng probinsya namin. Maaga pa siguro kaya madami pang bukas na mga tindahan. Madami pading tao ang naglalakad at namimili.
Kinapa ko ang bulsa ko, nawawala pa pati wallet ko and damn it. Puro bagong pera ang meron sa bulsa ko. Sabi na nga bag dapat nag ipon na ako ng mga lumang pera paghahanda sa ganitong sitwasyon.
Wala din akong alahas na mabebenta. Wedding ring lang ang meron ako na mawawalan muna ko ng kamay bago maalis sa daliri ko. This is all I have.
I miss you already Princess
"P-pasensya na po"
"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mong bata ka!"
"P-pasensya na po. H-hindi ko po sinasadya. Ahm p-pwede po ba humingi ng tulong"
"Nako wag ako! Tabi dyan!" Ang sungit naman ng ale nayon.
Tinignan ko ang isang babae na halatang hindi alam ang gagawin. Gusto ko mang tumulong pero mas may problema akong kailangang harapin. Naglakad na ulit ako at nilagpasan sya.
"A-ahm p-pasensya na po. Baka po pwede nyo ako-ahh S-sorry. Pa-pas-pasensya"
"Ano ba! Bulag kaba! Tumingin ka sa dinadaanan m- hoy! Masasagasaan kana! Bata!" Paglingon ko ay nasa gitna na ng kalsada yung babae. Wait. Bulag ba talaga sya?
"P-pasensya n-na po. Baka p-pwede ny-"
"Hey!" Hinila ko na sya palayo sa mga sasakyan.
"Ano kaba? Bula-" nahinto ako ng makita ang mga mata nya.
Gray
Teka
"O-opo. Pasensya na po sa abala" hinawakan nya ang dalawang kamay ko. She's really blind. And yeah, sya yung babae sa painting at sya din yung nawawalang kapatid ng kaibigan nila Harold.
"A-ayos kalang ba?" Umiling lang sya at umiiyak na. Ramdam ko din ang panginginig nya. She's scared.
"Parang awa nyo na po. Tulungan nyo ko"
"Sige. Saan ba ang bah-"
"No! P-please ayoko po. Wag nyo kong iuuwi sa bahay. Ayoko ng bumalik sa bahay nayon" napakunot bigla ang noo ko. Tinignan ko syang muli.
Naka yapak lang pala sya. Pansin din ang mga pasa sa braso at hita nya. Damn. But who? Ang alam ko mahal na mahal sya ng kapatid nya. I know him. Sa kanilang magkaka ibigan, si Harold lang naman ang may sapak sa utak.
"Hannah!"
"Please, please po ilayo nyo na muna ako" mas lalo syang nataranta ng may babaeng sumisigaw ng Hannah.
"Ugh okay. Humawak ka ng mabuti sa kamay ko" hinila ko na sya at nagpunta muna sa isang iskinita.
"Okay look. Hindi kita matutulu-"
"P-please" ugh fu**
"Wala akong pera. Mas kawawa pa ako sayo. Wala din akong tutuluyan. Parehas lang tayong magugu-" nahinto ako ng may ilagay sya sa palad ko.
BINABASA MO ANG
UNRAVEL
Roman d'amour"Stop being curious about my life" "Why not? I love classic books. It just so happens that you're my favourite" Open minded people only pfft GXG story Warning: Wrong grammar and spelling ahead