Pagkalabas ng kwarto ni Adaline ay wala na akong maalala. Hindi ko alam kung saan ako or yung isang personality ko nagpunta. Nagkamalay ako ng nasa labas na ako ng kwarto namin ni Leigh.
Wala akong matandaan. And to make it worst. Nawawala ang Camera ni Lolo, yung time machine na ginawa niya. Ugh damn it. Lagi ko kasi iyong dala and now it's gone. Hindi ko alam ang plano ng isang ak--ugh what should I name her?
Hatred? Chaos? Anger? Evil? Ah yeah how about Eris. Pfft, binigyan pa kita ng pangalan. You're a part of me. Hindi ko itatanggi yon, coz you're right. I hate and I want to kill her. But I also love her. I'm sorry.
Pagpasok ko ng kwarto ay siya namang papalabas si Analeigh. Hindi na talaga ako galit pero may naisip ako. Kung hanggang saan niya ako kayang pagbigyan.
Patatawarin ko lang siya pag tumalon siya sa bintana. May swimming pool akong natatandaan pero hindi ko lang sure kung dito ba sa side namin or sa kabila. But I think dito naman? So if mali ako hindi naman siya mamatay dahil babalik pa siya sa past. Siguro mapipilayan lang pfft.
At hindi ko na mapigilang matuwa ng sundin niya ako. Tumalon talaga siya. Ugh Baby Officer I really love you. Kaya mong makipagsabayan sa kabaliwan ko.
Kinabukasan ay nakipagkita kami sa kaibigan niyang Honey ang pangalan. I don't like her, masyado siyang malapit sa asawa ko. They're talking about the camera. Tahimik lang akong nakikinig dahil alam ko naman na ang pinaguusapan nila maliban sa patay na daw ang may ari ng shop.
"What!? Bakit agad agad. Ahm may nalaman kaba? May sinabi ba siya sayo? Anong sabi ng mga pulis?" Sunod sunod na tanong ni Leigh.
"Isa isa lang. Ahm ayaw niya ngang magsalita eh. Para siyang takot na takot ng nag tanong ako about sa print. Sabi nya hindi daw kanya yon at tinatago niya lang. At sabi naman ng mga pulis kagabi daw may bisita pa siyang babae"
"Pfft" medyo natawa ako. Wow I'm starting to like my other side. Just so me.
"Opps sorry tumalsik kasi yung kanin. Continue your topic" Alam kong pati siya ay iniisip na ako ang babaeng yon.
"Ahm Princess asaan ka nga kagabi?" See?
"In a shop" Sabi ko nalang. Yeah coz I'm sure ako nga ang babaeng yon. The other me which is si Eris actually. Nagtanong tanong pa siya na kinainis ko. Ugh I'm tired.
Hindi ko gusto ang tingin sakin ni Leigh. Pinaghihinalaan ba niyang ako ang pumatay sa taong yon? Damn her, I'm not like her.
Kaya naman nagsabi ako na gusto ko ng umuwi. Bahala siya sa kung ano ang gusto niyang sabihin. Dumiretso ako sa shower room. Kailangan ko lang malamigan. Pero paglabas ko ay hawak na niya ang phone ko.
"Close pala kayo ni Oliver?" Agad na tanong niya. Napangiti nalang ako, busted.
"Selos ka?" Pang aasar ko nalang. Pero masakit talaga ang ulo ko kaya gusto kong matapos na ang usapan. I told her na 5 years na kaming magkakilala which is true sa part ni Oliver since ako ang nagligtas ng buhay niya.
Ugh sh** sino naman kaya ang lalabas ngayon? Maya? Ugh damn this girl hindi talaga papatalo. Binantaan ko nalang si Analeigh. I'm a jealous woman. Ang akin ay akin.
Dalawang araw ang lumipas bago ako makabalik. Wala akong matandaan kahit ano pero may tiwala naman ako sa asawa ko kahit papano. Takot kasi siya sakin pfft
Naging payapa naman ang relationship namin. Mas napalapit kami sa isa't isa kahit na istorbo ang dalawang personality ko. Nag rent kami ng bahay dito abroad, yeah rent lang dahil alam kong babalik din naman kami ng Pilipinas.
Ah yeah, nagkausap na kami ni Oliver. Matapos daw magusap ni Eris at ng may ari ng store ay dumating naman si Uncle. Sabi ni Oliver ay nagusap pa sila. Mas lalo akong kinabahan, I know may plano silang dalawa.

BINABASA MO ANG
UNRAVEL
Storie d'amore"Stop being curious about my life" "Why not? I love classic books. It just so happens that you're my favourite" Open minded people only pfft GXG story Warning: Wrong grammar and spelling ahead