"Princess? Wake up we're here" Gising ko sa kanya. Ayoko sana siya istorbohin at ang sarap sarap na nang tulog niya dito sa kotse pero inaantok nadin ako.
Gabi nadin kasi kami nakadating dito sa bahay bakasyunan nila.
Unti unti naman siyang nagising. Pero sa halip na tumayo at lumabas ng kotse ay yumakap lang siya sakin at natulog ulit. Hays papabuhat pa.
Bago lumabas ay kinumutan ko muna siya ng jacket dahil malamig sa labas. Lalo na't malapit kami sa dagat. Habang papasok sa bahay ay nilibot ko na muna ang paningin ko. Yup, hindi siya ganon kalaki at madaming cctv sa labas. Bukas nalang ako mag iimbistiga.
"Officer Analeigh and Ms. Ximena? Ginabi na po kayo" salubong samin ng isang may edad na babae.
"Opo, na traffic lang. Ahm saan po ang kwarto ni Ximena?"
"Dito lang ho sa unang pinto ng second floor"
Pagdating sa kwarto ay agad kong inihiga si Ximena. Tulog padin siya kaya nag shower na muna ako. Pag tapos ko ay gising na siya at naka upo na sa kama.
"Ahm do you want to eat? Hindi ka masyadong nakakain kanina" tumingin lang siya sakin.
"S-sure but dito nalang. Ayoko ng lumabas" Oww, there's something wrong. She's afraid.
Malapit lang kasi sa dining area nangyari ang krimen.
Lumapit ako at niyakap siya.
"You can still go back. 2 to 3 days ako dito. If you're uncomfo--"
"I'm not, I'm okay. May dahilan din naman ang pagpunta ko dito. I'm looking for something" pigil niya sakin
"What is it?"
"Secret. Just go, I'm hungry" she said. Humalik lang siya sakin saglit bago dumiretso sa bathroom.
Ako naman ay nilibot muna ang kwarto at buong second floor bago bumaba at kumuha ng pagkain.
Walang daan palabas maliban sa veranda ng tatlong kwarto. Tapos hagip pa ng CCTV. Ughh sumasakit ulo ko lalo. Kain nga muna.
Tinulungan ako ng caretaker mag handa ng makakain. Nasa party din siya sa may beach ng may mangyaring krimen dito. At sinisigurado niya daw na walang naiwan kahit sino dito sa bahay ng umalis silang lahat para mag saya.
"Wala ba kayong ibang napansin noon sa mga biktima?" Napa buntong hininga lang siya.
"Ilang beses kona po nasabi to sa mga pulis. Ang napansin ko lang ay ang pagtatalo ng batang lalaking biktima sa kakambal niya." Ah yeah the twin, naging suspect noong una. Magka away sila ng kambal dahil sa isang babae. Pero may alibi siya just like the rest na nasa beach.
"Thank you po ulit. Mauna na ako" pa alam ko.
Napahinto pa ako kung saan eksakto nangyari ang lahat. Hindi masyadong mamukaan ni Ximena ang mga suspek dahil madilim at tanging liwanag lang mula sa labas ang nag silbing ilaw.
Pagbalik ko sa kwarto ay naka shower na siya at nakatayo lang sa veranda. Hindi niya nga ata ako napansing pumasok.
"Thinking of me?" I hugged her from behind.
"I miss my father" Mas hinigpitan ko lang ang yakap ko.
"He's the best man I know. Mahal na mahal niya kami ni Mommy. And just like that, he died in front of me"
"You hate the person who killed him" narinig ko lang siyang napatawa ng mahina. Inalis niya ang kamay kong nakayakap sa bewang niya at humarap sa akin.
"Oh no. I despise them. Malaman ko lang kung sino siya, ako na mismo ang papatay sa kanya. Pfft no wait, I'll torture that person first. I wi--"
"Shh I know. Don't think about it for now" pinutol ko na ang mga sasabihin pa niya. Hindi ko alam pero natakot ako sa pwede niyang gawin. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Her beautiful green eyes.

BINABASA MO ANG
UNRAVEL
Romance"Stop being curious about my life" "Why not? I love classic books. It just so happens that you're my favourite" Open minded people only pfft GXG story Warning: Wrong grammar and spelling ahead