Chapter 45

420 23 19
                                    

"But my green eyes are better"

"Hannah!" Tawag ko sa kanya at bumaba nadin ako.

"Nandito! I'm blind, I can't go anywhere"

"Baka lang nadukot kana dyan. Asaan na yung kausap mo?" Paglapit ko ay wala na yung kaaway nya.

"Umalis na. Mabait naman pala, akala ko masama eh. Ahm maiba, saatin naba itong bahay?"

"Yeah, just need some paperworks and pwede na natin ipa renovate" Abot tenga naman ang ngita nya sa narinig.

"Thank you!" I should be thanking her, kung hindi dahil sa kanya baka namumulubi pa ako sa probinsya.

"Let's go" Sabi ko at hinawakan saglit ang kamay nya. Sya naman itong automatic na humawak sa braso ko. Sa isang maliit na hotel padin kami tumutuloy. Siguro baka matagalan pa at hihintayin pa naming maayos itong binili. Yung 2nd floor ang gagawin naming bahay.

Pagka pasok ng kwarto ay agad siyang nahiga. Ako naman naupo muna at nagtawag ng room service para kumain.

"Ilang araw nadin tayong magkasama. Pero wala kapang na kwekwento sakin"

"Alam mo na ang pangalan ko. That's enough" umiling iling lang sya habang nakaharap sa kisami.

I think she's completely blind. Nakatitig kasi sya sa ilaw. Sa lakas ba naman non ewan ko nalang kung hindi sya mabulag, kahit bulag na talaga sya.

"Can't I know more?"

"Why? Eh wala din naman akong alam sayo. Bakit ka lumayas? Hindi ako naniniwalang para lang yon sa lalaking ka penpal mo" penpal pfft. Hindi pa uso ang chat or videocall.

"If I tell you my story. Would you tell me yours?"

"No" agad na sabi ko. Hindi naman sya sumagot at narinig ko lang ang mahina nyang pagtawa.

Dumating nadin pagkain namin kaya tahimik lang kami hangang sa timing nyang umiinom ako ng sabaw. Bigla siyang nagsalita

"Baliw ba ako kung sa babae ako nagkaka gusto?"

*cough!

"Ugh ang init. A-ano?" Parang ako yung nahiya sa tanong nya. Hindi naman sya nakatingin sa mga mata ko pero ako pa itong todo iwas.

"They're locking me up because I like women more"

"Ahm"

"Pinagdasal na nila ako sa kung sino mamg pari. Baka daw sinasaniban lang ako then pinatingin nadin sa mga doctor at baka may sakit ako pfft. The last time they hired a doctor to look after me? Ayun hinalikan ko sa harap nila si Ateng maganda"

"Ha?"

"Kukuha nalang kasi ng doctor eh babaeng maganda pa. Sa halip na magamot ako, lalo pa akong lumala. Tell me, may sakit ba ako?" Hindi ako makasalita sa mga binubunyag nya sakin. Ano ba to?

"Ah eh y-yung ka penp-"

"It's just an excuse. Si kuya ang namilit sakin don. Answer my question Analeigh"

"It's 1992, just wait a little more and you'll be more happy and proud of who you are. You're not alone. At wala kang sakit oh sapi. Don't mind them" sa sinabi ko ay napangiti sya bigla at teka nga.

"Pano mo namang nasabing maganda yung Doctor?"

"Maganda ang kalooban nya bakit ba. Mabango pa, then hinawakan ko face nya. I can't be wrong. She's really beautiful, may kaingayan nga lang ang bibig tas may kasintahan na sayang." Kumain nalang ulit ako dahil hindi ata titigil to kaka kwento.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNRAVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon