Chapter 6

1.6K 165 38
                                    

"Good Morning. Upo ka na nang maka kain na tayo" Sabi ko habang nag hahain, sakto ang gising niya. It's 7am

"Akala ko hindi ka makakapunta? And Good Morning" halos nakapikit pa siya ng lumapit sakin para yakapin ako sa likod.

"We got him. Nakatulog kaba ng maayos?" Humarap ako sa kanya at niyakap ang bewang nito. Siya naman automatic na kumawit sa leeg ko.

"Yup, no nightmares. You got him? Means. . . . Tell me it's Vanilla flavor " agad siyang bumitaw at nag punta sa ref para tignan ang Favorite niya.

"Minsan napapa isip ako kung sino mas gusto mo, Ice Cream oh ako?"

"You with the Ice Cream sa kat-"

"Okay kanin muna bago dessert. Come here Xime" pigil ko na sakanya. Umagang umaga sing green na naman ng mga mata niya ang utak.

"So mahahatid mo ako ngayon?" Tanong niya pagka upo. Tumango lang naman ako.

"Hmm okay, but I'm thinking na tanggapin na ang regalo ni Mom na kotse"

"Pfft ayaw mo na bang hinahatid sundo kita?" Natatawang sabi ko

"Hindi naman. Ahm ayoko lang masyadong nakaka abala sayo. Tyaka para hindi kana mag alala" I just smiled. Ito ba ang Ximena na sinasabi ni Adaline?

Nitong naka raang araw parang ako pa itong obsess sa kanya.

"Marunong ka bang mag drive?"

"Nope pa, teach me first Sensei?" Pfft hahahahaha how cute.

"Oo na po. Kumain kana at baka ma late ka sa subject mo" Sumunod naman siya at kumain nadin ako. Bacon and egg lang naman niluto ko tapos may soup.

Napapatingin ako minsan sa kanya. Enjoy na enjoy siya sa pagkain. Napapa isip ako, ganito din kaya siya pag mag isa?

"By the way, ano na mangyayari sa boyfriend?" Tanong niya bigla

"Hmm he's one of the suspect now. But sa evidence na nakuha ko, malamang guilty ang hatol sa kanya"

"So he killed his girlfriend. Why?" Sabi niya bago tumayo at kunin ang Ice Cream

"Nakikipag break na ang babae sa kanya dahil minahal na niya yung isang lalaki. Hindi niya matanggap yon. Gusto ko nga siyang bugbugin pa ng sinabi niyang mahal niya ang babae" napansin kong napatawa siya ng mahina.

"How about you? What if may mahal akong iba. Can you kill me?" Tanong ko. Hindi niya ako tinignan at binuksan lang ang Ice cream.

"No" gumaan naman ang pakiramdam ko don.

"Goo--"

"I'll kill the person you love" she said straight looking into my eyes.

"You're kidding right?" Hinihintay kong tumawa siya but no. She smiled

"I wish I am"

"Can't you just accept it? Move on? If you really love someone, hahayaan mo siyang sumaya kahit sa piling na ng iba. You can't force love" sana naman maintindihan niya ang pinupunto ko.

"You're right. Pero kasi magkaka iba mag mahal ang mga tao. And it just that I'm not selfless. And besides, am I forcing you to love me? Satisfied na akong nandito ka sakin. Just. . . ."

"Just what?" Tanong ko. Ano naman ito

"Ayokong may ibang aagaw niyang atensyon mo. Ako lang dapat ang priority mo. Ako lang dapat ang kakampihan mo. Ako at ako lang. So far hindi ko pa namang hinihiling na mahalin mo ako. But just me, okay?" Nahirapan ata ako biglang lunukin itong kinakain ko. So ngayon satisfied na siya na hindi ko siya mahal. Pano nalang pag pati itong love ko hiningi na niya?

UNRAVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon