ARIA.Bumuntong-hininga ako at inilagay nalang ang hawak kong minatamis na kamote sa pinggan ko. Maaga pa ako ngayon dahil may dadaanan pa ako sa palengke. Napatingin ako sa wallet ko at ngumiti. Kakasya pa naman ang dala kong pera para pambili ng meryenda ng mga bata. Isa akong teacher pero sa ampunan ako nagtuturo. Pinili kong doon maging isang guro dahil hindi lahat ay may pera pambayad para makapag-aral.
"Salamat po." Sabi ko at ngumiti sa may-ari ng bakery. Binigyan niya ako ng limang pirasong cheese pandesal para daw sa akin dahil alam daw niyang hindi pa ako nagaalmusal. Kilala na ako dito dahil ako ang suki nila dito. Nagpasalamat na ako at naglakad na papunta sa orphanage na pinagtuturuan ko. Tinuturuan ko silang magbasa at magsulat para naman kahit papaano ay may alam sila sa basics.
Sa totoo lang ay kahit gaano ko kagustong mag-ipon para makaalis na sa tiyahin ko ay hindi ko magawa. Kulang kasi nag kinikita ko sa mga raket ko kaya hindi ako makapag-ipon. Hindi naman kasi ganon kalaki ang kinikita ko. Sapat lang para sa gastusin araw-araw. Hindi naman maaasahan ang tiya ko lalo na at puro inom at sugal ang inaatupag niya. May anak nga siya pero batugan naman. Naghihintay nalang ng mayaman na mapapangasawa.
Sabi nila ay nabuntis daw ang nanay ko ng isang mayamang amerikano pero naunang namayapa ang tatay ko at hindi naman binigyan ng kahit piso ang nanay ko kaya umuwi siya ng Pilipinas. Namatay ang nanay ko sa panganganak kaya mag-isa lang talaga ako. Papasa siguro ako bilang Cinderella pero atleast si Cinderella nakahanap ng prince charming niya eh ako kaya? Minsan nga niloloko ako ng kaibigan kong si Maricel na baka daw babae talaga ang para sa akin. Bisexual kasi siya at may girlfriend na maganda.
Sinasakyan ko nga minsan ang mga sinasabi niya. Sinasabi ko na sana kung sino man ang prince o princess charming ko ay bilis-bilisan naman niya kasi ayoko na sa buhay ko. Napailing nalang ako at dumiretso na sa orphanage. Pinapasok na ako agad dahil kilala naman na ako dito.
"Magandang umaga Aria." Bati nang isa sa mga staff kaya napangiti ako. This orphanage doesn't have nuns like the other orphanage.
"Magandang umaga Ate Olivia." Nakangiting bati ko. Si Ate Olivia ang isa sa mga staff na nagmamanage sa food production ng orphanage. She makes sure na safe ang kinakain ng lahat.
"Hinihintay kana ng mga bata." Sabi niya kaya ngumiti ako at tumango. Pumasok na ako sa isang malawak na room at naabutan ko silang lahat na nakaupo at tahimik lang kaya natawa ako.
"Ate Heaven! Alam mo bang may pupunta dito mamaya kasi titignan daw nila ang orphanage." Sabi ng batang si Eyang. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Bakit daw?" Tanong ko at nagtinginan silang lahat. Wala yatang nasabi sa akin si Ate Olivia kanina o baka nakalimutan na naman niya? Natawa nalang ako at napailing. Just when I was about to start someone suddenly knocked at pagkatapos ay pumasok.
"Aria? Can I talk to you for a minute?" Si Ate Olivia ang pumasok kaya ngumiti ako at tumango pagkatapos ay sumunod sakanya sa labas. Everyone calls me Aria maliban sa mga bata dahil mas bagay daw sa akin ang pangalan na Heaven kaya hinayaan ko na lamang sila.
"The owner of this orphanage will come here today. Ire-renovate nila ang orphanage pero for now ay i-che-check muna nila ang lugar." Sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"May kasiyahan mamaya kaya dito kana magpalipas ng gabi. Alam ko namang hindi mo gusto sainyo. May extra pang kwarto dito." Sabi niya kaya ngumiti ako. Matagal na akong pinapalipat ni Ate Olivia dito sa orphanage dahil mabait naman daw ang may-ari at gusto rin ng mga bata pero nahihiya ako at isa pa ay siguradong hindi matutuwa doon si Tita.
"Sige ate, tutulong ako sa pag-aayos mamaya pagkatapos ko sa mga bata." Nakangiting sabi ko na ikinangiti rin niya.
"Sige basta huwag kang magmadali o kaya bigyan mo na lamang sila ng gawain kung gusto mo." Sabi niya kaya tumango naman ako. Nagpaalam na siya at naunang umalis habang ako naman ay bumalik sa loob para makapagturo na.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.