Aria.Tahimik lang ako habang inaasikaso ang mga bata na kumakain. Lunch time na at sumabay ang dalaga kanina sa amin. We already know each other dahil si Keirra mismo ang nagpakilala sa amin sa isa't-isa. Mabait naman ang dalaga at nalaman ko na isa pala siyang modelo at dating katrabaho ni Keirra.
"Shina will be coming with you later when you pick up your things." Sabi ni Tita kaya napatingin kami sakanya.
"Oh right! I'll come with you too guys!" Natutuwang sabi ni Monica.
Tahimik lang ako na kumakain. Siya pala ang sinasabi nilang guest nila. They actually look sweet lalo pa at nakadikit lang kay Keirra si Monica. Naiintindihan ko naman kasi matagal silang hindi nagkita at bukod pa doon ay wala naman akong pakialam dapat.
Hindi ko malasahan ang pagkain pero kinakain ko parin ang kung anong nasa plato ko. I don't want to be rude kaya uubusin ko ang nasa harapan ko.
"Aria?" Napakurap-kurap ako at nagtaas ng tingin. Nakatingin pala silang lahat sa akin kaya bigla akong nakaramdam ng hiya.
"A-Ano iyon?" Tanong ko at dumiretso ng tingin kay Ate Shina na halatang naga-alala kaya ngumiti ako sakanya.
"Sabay ka sa akin mamaya ha? May ikukwento ako sayo!" Lihim akong nakahinga ng maluwag.
"Oo naman po, Ate Shina." Sagot ko at ngumiti naman siya at nagpatuloy na kami sa pagkain.
Napatingin ako sa orasan at nang makitang limang minuto nalang ay pwede na akong mag-out ay agad ko nang inayos ang nga gamit ko. Keirra and Ate Shina decided to entertain the kids habang hinihintay ako dahil mamaya pa uuwi si Tita.
Napatingin ako sa phone ko nang may notification galing sa group chat namin. Napailing ako nang mabasa ang message ni Venice.
Nababaliw na raw siya dahil sa mga patong-patong na gawain niya sa school. Tinawanan lang naman siya ng dalawang ate at sinabing kaya niya iyon. Lumabas ako sa opisina ko at dumiretso sa pwesto nila Keirra.
Hindi ko muna sila pinansin at nagpunta sa opisina ni Tita. Magpapaalam muna ako para hindi siya mag-alala. Nung huling beses kasi na makalimutan kong magpaalam sakanya ay talagang nag-panic siya. Hindi ko rin nakita si Ate Shina na kasama ni Keirra kaya baka andoon siya kay Tita.
Kumatok ako sa pinto bago pumasok sa loob at tama nga ang hinala ko dahil katabi niya si Ate Shina at mukhang may pinag-uusapan silang dalawa.
"Oh! Pasensya na, magpapaalam na po sana ako. Nakaistorbo po ba ako?" Tanong ko at nag-angat naman sila ng tingin sa akin.
"No, It's fina hija. Mukhang uuwi kana, mabuti pa nga at nang makapagpahinga na kayo sa bahay." Sabi ni tita kaya ngumiti ako.
"Well get going then. Take care, mom and please don't overwork yourself." Paalala ni Ate Shina sa kanyang ina at hinalikan sa pisngi bago muling magpaalam at hilain ako palabas ng opisina niya.
"Are you okay? Hindi ka lumabas ng opisina mo ah?" Ngumiti ako kay Ate Shina.
"Madami kasing kailangan i-review Ate Shina." Sagot ko nalang dahil ayoko namag magkaroon pa ng issue.
Hindi na siya nagsalita pa at diretso lang kaming naglakad. Tanging tunog lang ng mga sapatos namin ang naririnig ko dahil sa sobrang tahimik.
"Let's go Kei! What are you two doing there?" Magkalapit kasi ang mukha nilang dalawa nang maabutan namin sila.
Umiwas nalang ako ng tingin at hindi na nakiusisa pa. Hindi naman ako ganon katanga para saktan sarili ko, alam kong may something ang babaeng iyon kay Keirra. Halata naman sa bawat kilos niya at paraan ng pagtitig niya.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomansaWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.