Chapter 18: Monica Axtarancia

1.4K 83 1
                                    


Aria.

Gaya ng sinabi ni Keirra ay sasama nga siya sa akin. She's wearing her casual clothes right now at talagang walang duda na dati siyang modelo. Sometimes gusto ko rin ng katawan niya, ang fit kasi eh kaya ang sexy tignan.

"Did you brought extra clothes?" Biglang tanong niya kaya napatingin ako sakanya.

"Aanhin mo ang extra clothes?" Tanong ko sakanya kaya natawa siya ng bahagya.

"Didiretso tayo sa mansion mamaya. May bisita sila mom at dad kaya gusto niyang mag-stay tayo doon for a week." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Siraulo ka!"

"Ouch! What the hell, Rie! I'm driving!" Hindi ko siya pinansin at napatingin sa relo ko. Wala nang oras dahil baka ma-late pa kami kapag bumalik kami.

"Hindi mo sinabi sa akin kaninㅡmaiiwan nalang ako sa penthouse mo. Hintayin kita doon." Sabi ko dahil naalala kong pamilya nga pala niya iyon. Ayokong makialam at baka kung ano pang msabi nila tungkol sa akin.

"Hey! You'll come with me, mom asked you to be there too." Umiling ako sakanya at hindi siya tinapunan ng tingin.

"Nope. You go alone." Maikling sabi ko at hindi na siya pinansin. Tumingin ako sa labas at pinagmasdan ang tanawin.

Bigla ko kasing naalala yung babaeng highlighter nung huli. Alam ko naman sa sarili ko na mali ang sinasabi niya pero hindi ko maiwasan mag-alala lalo pa at close ako masyado sa parents ni Keirra. Baka pati sila ay magkaroon ng issue at ayoko namang mangyari iyon.

Kumunot ang noo ko nang itabi niya ang sasakyan kaya napaharap ako sakanya at nagulat ako nang makitang nakatingin pala siya sa akin.

"Are you mad? I'm sorry I didn't tell you earlier." Umiling ako sakanya at ngumiti.

"No, I just don't want other people saying mean things about your family just because of me." Sabi ko at bumuntong-hininga naman siya.

"Is this about the incident in my office before?" I bit my lower lip and looked away.

"I'm really sorry about what happened that time but I'm serious. My mom and dad loves you at hindi ka katulad ng sinasabi nila."

"Just go alone, Keirra. Hihintayin kita sa penthouse mo." Napasimangot siya sa sinabi ko.

"No. You'll come with me, whether you like it or not." Biglang sumeryoso ang boses niya kaya napalunok ako. There is an authority in her voice that makes me shiver pero syempre ay hindi ko ito pinahalata.

"Fine." Sabi ko nalang at pinaandar na niyang muli ang kanyang sasakyan. Mabilis kaming nakarating sa main building ng Sunshine Orphanage.

It wasn't actually a building dahil para siyang mansion. Hindi ko rin alam bakit building ang itinawag basta iyon. Bumukas ang main door kaya pumasok na kami doon at agad kaming binati ng mga bata.

"You stay here, parating na rin siguro si Tita Sher kaya dito ka nalang muna at makipaglaro sa mga bata." Sabi ko sakanya at naglakad na papasok sa loob ng opisina ko.

My job is to monitor the kids and their needs including their health and if they are being productive each day. May maliit na classroom ang mga bata kung saan ay doon ko sila tinuturuan ng mga basic knowledge. Once they passed the exams ay ipapasok na namin sila sa Grade School.

Gaya ng Sunshine Orphange sa La Union ay kumpleto rin ang kagamitan dito. Sinisiguradong malinis at maayos ang orphanage dahil na rin sa mga bata. Nag-check lang ako ng mga papel na kinolekta ko kahapon pagkatapos ay lumabas na rin agad dahil baka kung ano na ang ginagawa ni Keirra sa mga bata. Pero bago iyon ay nagtimpla muna ako ng kape para kay Tita.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon