Chapter 34: What She Deserves

1.5K 75 4
                                    


Aria.

Nakatitig lang ako kay Keirra habang naguusap sila ni Ate Shina. Halatang naiinis si Ate Shina sakanya. Nandito lang ako sa labas dahil ayokong makialam sa usapang pamilya nila. I can see them talking seriously dahil sa glass lang ang takip sa conference room nila.

I decided to come with her ngayon. Nakausap na niya ang grandparents niya kahapon pero ngayon ay kasama na ulit ang buong pamilya nila. I promised Keirra that I'll be with her and support her all the way.

Kinakabahan din ako dahil halata parin na hindi maayos ang usapan nila. They all look so serious at nagtatalo pa yata ang parents ni Keirra at ang grandparents nila. Hindi na nakapagpigil si Ate Shina at tumayo, nagulat ang lahat at mas nagulat ako nang bigla niya binuksan ang pinto at hinila ako papasok sa loob.

Nanlaki rin ang mga mata ni Keirra at gusto sanang umalma pero umiling ako sakanya. I want to fight with her at hindi lang basta nakasuporta sakanya sa isang sulok.

"You're underestimating my sister too much. She proved herself that she deserves the company. I already told you that I won't take over dahil hindi ito ang gusto ko!" Nakatingin kaming lahat kay Ate Shina.

"Why did you brought that woman here? Hindi siya parte ng pamilya kaya bakit mo siya dinala dito?" Halata ang authority sa boses ng matandang lalaki.

"No lolo! Kung tutuusin mas pamilya pa nga siya kaysa sainyo ni lola!" Nagtiim-bagang ang matanda kaya napatingin ako kay Keirra.

Agad kong lumapit sakanya at hinawakan ang kamay niya. Napatingin din siya sa akin at ngumiti ako sakanya. I gently smiled at her and her expression relaxed.

"Sinabi ko na sa kapatid mo na babalik siya sa pagmomodelo at ikaw ang maghahandle ng kumpanya." I took a deep breath dahil sa sinabi ng lolo nila.

"I told you yesterday lolo, hindi po ako babalik sa pagmomodelo. I like working here in the company and helping dad." Sagot ni Keirra pero umiling ang matanda.

"Naging kontrobersyal ang pag-alis mo sa mundo ng modelling. Hinayaan ka namin para pag-isipan ang gusto mong gawin at oras na para bumalik ka sa dati mong ginagawa." Umiling si Keirra sa sinabi ng lola niya.

"Hindi po iyon ang gusto ko. Ayoko na po ulit bumalik sa pagmomodelo, bakit po ba hindi niyo iyon maintindihan?" Napatayo na rin si Keirra dahil hindi na sila nagiintindihan.

"Baka nakakalimutan mong ampon ka lang, Keirra! Wala kang karapatan na makialam sa mga desisyon namin lalo pa at hindi ka tunay na kadugo ng mga Lim." Napatayo si Tita Sherry at nagulat ang lahat.

"Mawalang galang na po pero sumusobra na po kayo. Walang masamang ginagawa sainyo ang anak ko. Baka nakakalimutan niyong pinabayaan niyo kami ng ilang taon dahil lang hindi namin kayo magawang sundin tapos ito ang gagawin niyo sa pamilya ko?" Inalalayan siya ni Tito.

"I'm sorry Dad pero tama ang asawa ko. Tapos na ang araw niyo bilang CEO ng kumpanya at kami na ngayon ang namamahala dito. Honestly? My daughter already proved herself when she became the CEO dahil mas lumaganap ang negosyo natin nang umupo si Keirra bilang CEO ng kumpanya." Sagot ni Tito kaya doon na ako sumabat.

"I know that I'm not a part of your family po pero I think this is too much. Wala po kayong karapatang sabihin iyan sa pamilya nila Keirra dahil una po sa lahat hindi na kayo kabilang sa pamilya nilang magmula nang talikuran niyo sila." Napatingin ako kay Keirra na nakatingin sa akin kaya nginitian ko siya at pinisil ang kamay niya.

"How can you call yourself as a family when you didn't even know how she suffered so much just to get here? Kung may dapat mang umalis dito ay kayo po iyon."

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon