Chapter 11: Get To Know You

1.5K 82 2
                                    


Aria.

Mataas ang energy level ni Venice, may listahan pa pala siya ng bibilhin. Natatawa nalang ako sa kakulitan niya at halatang ganon din ang dalawa pa naming kasama. Tapos na kaming mag-grocery at ngayon nga ay nasa isang coffee shop kami para mag-snack.

Sa kotse kami ni Ate Shina lahat sasakay kaya naroon na rin ang ibang pinamili namin. Sabi ni Ate Shina ay marunong din daw magluto si Ate Solar kaya doon nalang daw kami magla-lunch sa penthouse ni Keirra at siya raw ang bahala.

"Ang ganda mo nga, Ate Aria. Akala ko joke time lang iyong sabi ni Ate Shina." Sabi ni Venice kaya natawa ako.

"Mas maganda nga kayong tatlo eh." Sabi ko at natawa naman sila.

"Huwag na tayong magbolahan. Be normal around us, Aria. Hayaan mo na si Venice dahil madaldal lang talaga siyang tunay." Sabi ni Ate Solar kaya napasimangot si Venice habang kami naman ni Ate Shina ay nagpipigil ng tawa. Sixteen years old palang pala si Venice at magsi-seventeen na siya.

"Buti pinayagan kang lumabas ng asawa mo?" Tanong ni Venice kay Ate Solar kaya natawa naman siya.

"Moon's busy today. I heard may meeting sila ni Kei and I told her I'll be hanging out with you guys."

"May asawa kana?" Gulat na tanong ko at tumawa siya pagkatapos ay tumango.

"I'm married to Moon Shine Lopez." Tumango-tango ako sa sinabi niya kaya mas lalo siyang napangiti.

"Sana All. When kaya?" Tumawa ng malakas si Venice sa sinabi ko kaya nagtaka ako.

"Asawahin mo na rin si Ate Kei para hindi ka rin mag-sana all Ate Aria!" Sabi niya at tumawa ulit kaya bigla akong nahiya sa sinabi niya.

"Aray ko!" Natigil siya sa pagtawa nang sapukin siya ni Ate Shina.

"S-Sobrang imposible naman ng sinabi mo, Venice. Masyado siyang mataas at hindi ko maabot." Sabi ko at ngumiti.

"Ang nega mo naman masyado, Ate Aria. Alam mo po, ang love walang pinipiling tao or estado iyan. Sigurado rin kong ganon din ang pananaw ni Ate Kei. Mabait kaya siya at isa paㅡ" Bago pa matapos ni Keirra ang sasabihin niya ay hinawakan na ni Ate Shin ang balikat niya.

"Walang pinipili ang pagmamahal, Aria. Always remember that." Natawa ako at tumango.

"Ang labas tuloy parang may gusto si Aria kay Kei." Sabi ni Ate Solar kaya natahimik naman ako. Nagkatinginan ang tatlo at pagkatapos ay niyugyog ako ni Ate Shina.

"Oh My Gosh! You like my sister!" The three of them squealed kaya nagtinginan ang nga tao sa amin pero mukhang wala silang pakialam.

"H-Hindi naman po sa gusto. C-Crush lang siguro ganon." Napaiwas ako ng tingin nang nginitian nila ako ng mapang-asar.

"Ship ko na kayo! Kinikilig na ako agad." Sabi ni Venice kaya natawa na rin ako.

Inasar lang nila ako ng inasar kay Keirra hanggang sa hindi namin namalayan ang oras. Nag-take out lang sila ng cake para sa dessert pagkatapos ay lumabas na kami para bumalik sa penthouse ni Keirra.

Pagkarating namin doon ay agad kong binuksan ang pinto at nagtulong-tulong kaming apat na ipasok ang lahat ng pinamili dahil marami iyon. Inayos namin lahat sa ref at inilagay ang mga karne at isda sa freezer.

"What will you cook for lunch?" Napatingin ako kay Ate Solar na nakatingin pala sa akin. Nagtitingin kasi ako ng pwede naming lunch.

"Chicken curry nalang siguro, Ate Solar." Sabi ko at tumango naman siya. Naglabas ako ng chicken meat at iba pang gagamitin na isasahog para sa gagawing chicken curry.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon