KEIRRA.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang hindi talaga ako pansinin ni Rie pagkalabas ko ng kwarto naming dalawa. Late kasi akong nakauwi kagabi at nang tawagan niya ang phone ko ay ang bagong sekretarya ko ang sumagot. Nagalit ako noong una pero tunog daw kasi iyon ng tunog, nagkataon naman na nasa banyo ako kaya siya na ang sumagot para sa akin.
Bumalik na kami ulit dito sa penthouse dahil mas malapit ito sa kumpanya at ganon din sa orphanage. Napahilamos ako dahil hindi talaga ako marunong manuyo kaya hindi ko alam ang gagawin ko. Inilabas ko ang phone ko at agad na humingi ng tulong kay Victoria dahil siya naman ang under.
Make something special for her.
Anong klaseng special ba ang tinutukoy niya? Napaangat ako ng tingin nang makita ko si Rie na nagluluto ng breakfast kaya lumapit agad ako sakanya at mabilis na niyakap siya mula sa likod.
"Goodmorning baby, huwag ka nang magalit." Alo ko sakanya.
"Stop it Keirra Serenity. Ikaw ang ipiprito ko rito." Masungit na sabi niya kaya napanguso ako at kumalas sa pagkakayakap sakanya.
"Hindi ko talaga alam na pumasok pala siya sa loob ng office ko. I swear I didn't know." Pagtatanggol ko sa sarili ko at humarap siya sa akin.
Napalunok ako nang matalim niya akong tinitigan pagkatapos ay tinaasan ng kilay kaya napalunok ako at napaatras. Now I understand Victoria when Ate Shina gets serious. Ganito rin kaya ang nararamdaman ni Ate Moon kapag nagagalit sakanya si Ate Solar?
"Why didn't you answered your phone on the first ring!?" Jusmiyo kung alam ko lang na ganito ang mangyayari dapat idinikit ko nalang sa akin yung phone ko.
"I was on the comfort room since nalimutan kong red days ko pala kahapon. I was changing and I forgot to bring my phone. I'm really sorry love, please don't get mad." She crossed her arms.
"I promise, magpapaalam na ako kapag mago-overtime ako." Alanganin akong ngumiti pero inirapan niya lang ako at bumalik na sa pagluluto.
"Why did you even changed your secretary?"
"What's wrong with that? Maaasahan naman si Therese kaya walang problema doon. She actuallyー"
"Is she into girls?" Tanong niya kaya natigilan ako. May halong uncertainty sa boses niya at doon ko lang narealize ang lahat.
"Are you jealous?" Ngumisi ako nang natigilan siya at kunot-noong nilingon ako.
"Hindi ako nagseselos. I was just asking since you two seems so close kahit na baguhan palang siya." Sabi niya at pinatay na ang pinaglulutuan niya pagkatapos ay inilagay ito sa isang plato.
"Did you know that you look cute when you're jealous?" Kagat-labing tanong ko at biglang namula ang mukha niya pagkatapos ay umiwas ng tingin kaya natawa ako at nilapitan siya.
"Don't be jealous love. You're the only woman I love and will love forever." Dahan-dahan kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya pagkatapos ay pinagdikit ang ilong naming dalawa.
"And you're the only woman who can make me feel these sort of urges. You look hot when you're jealous." I whispered seductively and looked down to her luscious lips. I was about to kiss her when she block my lips using her free hand.
"You're on your period my love. How about you eat now while I take a bath? Bibisita tayo sa mansion ngayon hindi ba?" Sabi niya at tinanggal ang kamay sa labi ko at hinalikan ako ng mabilis bago umakyat sa kwarto para mag-shower kaya napasimangot ako.
Damn!
Bitin!
Matapos maligo ni Rie ay ako naman ang sumunod sakanya. As usual, nag-bake na naman siya ng dessert para makain namin mamaya. Iniisip ko nga baka gusto niya magpatayo ng sarili niyang pastry shop since she loves baking. I'll ask her if she wants that and I'll talk to my mother as she also loves baking, maybe she can help Rie if she decides to build a business.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.