Kei.Napatingin ako sa kapatid ko na nakatitig lang sa engagement ring sa daliri niya kaya hindi ko maiwasang matawa nang bahagya na nakakuha ng atensyon niya.
"What's with you?" Tanong niya kaya umiling ako.
"Naalala ko lang bigla yung nakaraan. Ikakasal kana bukas, Ate." Bigla akong nakaramdam ng comfort at pakiramdam ko ay nao-overwhelm ako sa mga bagay na nangyayari ngayon.
"Awww, will you miss me?" I bit my lower lip and chuckled.
"Natutuwa ako na tama ang naging desisyon ko noon. Kung hindi ko ginawa yung tama siguro hindi ko rin makikilala ang girlfriend ko." Ngumiti si Ate Shina at umupo sa tabi ko.
"You deserve to be loved, Kei. Kahit gaano man kasama ang nangyari noon lahat tayo deserve mahalin ng totoo." Pareho sila ng sinabi ni Victoria kaya napangiti ako.
"Kailan mo balak lagyan ng singsing and daliri ni Aria?" Nakangiting tanong ng ate ko kaya natawa ako. I smiled sheepishly at her. She gasped and squealed in excitement kaya agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Baka magising siya!" Natatawang suway ko kaya umakto naman siyang hindi na siya magiingay kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya.
"Kailan ka magpo-propose sakanya?" Excited na tanong niya kaya nagkibit-balikat ako sakanya. Sumimangot naman siya at hinampas ang braso ko kaya napalayo sakanya ng bahagya.
"That hurts!" Reklamo ko at inirapan naman niya ako. We've been together for a year now and my family is already asking me when will I settle down with the love of my life.
"Hindi talaga ako nagkamali na isama siya sa atin dito." Natatawang sabi niya kaya napangiti ako.
Naalala ko ang mga araw kung kailan nagsisimula palang kaming kilalanin ang isa't-isa. It was awkward at first but we got used to each other's company hanggang sa hindi ko napansin na hindi na ako sany hindi siya makasama o makita.
"I'm so lucky to have her. She never left me when I needed her the most. Hindi rin ako nagkamali sa pagmamahal sakanya, Ate." I also remember my old self kung saan ginagawa ko ang lahat para lang mahalin ako pabalik ng mga taong mahal ko.
Now I don't have to push myself and do things that are against my will. Tanggap ako ni Rie sa kung ano at sino pa ako. She proved to me that I can trust her with my heart and I'm happy that I did trust her.
"So ano ngang plano mo?" Tanong ng kapatid ko. Uminom siya sa gatas na ibinigay ko sakanya kanina.
"Bakit hindi ka pa natutulog? Bukas na ang kasal mo, gusto mo bang magmukha kang zombie sa araw ng kasal mo?" She chuckled and I rolled my eyes.
"Hindi kasi ako makatulog. Alam mo yung pakiramdam na parang panaginip lang lahat ng nangyayari sayo?" Sabi niya kaya napangiti ako.
"I know that feeling." Natatawang sabi ko sakanya.
"We're both lucky." Sabi niya kaya nagtawanan kaming dalawa. We spent an hour talking and reminiscing. When the clock ticks at eleven ay pinatulog ko na ang kapatid ko dahil ayoko namang magmukha siyang zombie bukas.
Nandito kami sa resort ng mga Lopez sa La Union. Dito rin kinasal si Solar at Moon at ngayon nga ay si Ate Shina at Victoria naman ngayon ang ikakasal. Sa villa talaga ako dapat ni Victoria pero binisita ko sila dahil baka hindi komportable si Rie. Nakatulog na nga raw siya pagdating ko sabi ni Ate Shina. Kasama niya sina Solar, Venice at ang mga babaeng kaibigan ni Thunder.
Pumasok ako sa kwarto ni Rie at napangiti nang makita kong mahimbing na ang tulog niya. Lumapit ako sakanya at hinalikan ang noo niya. Aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya nagulat ako.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.