ARIA.Natawa ako nang matakam ang mga bata sa binake namin na muffins. Nagkataon kasi na may stocks sila ng pang-bake kaya naisipan namin mag-bake ng banana muffins kaysa naman sa masira ang mga ito. I'm sure na magugustuhan ng mga guest nila ang banana muffins dahil ang mga bata mismo ang nagdecorate ng mga muffins.
"Ate Heaven?" Napatingin ako kay Diane na may hawak na dalawang banana muffin na may cute na design na parang unicorn.
"Ano yon?" Nakangiting tanong ko at pinantayan siya.
"Pwede mo ba akong samahan na ibigay ito mamaya sa may-ari ng orphanage mamaya?" I chuckled and she smiled.
"Oo naman baby. Let's wrap it up sa magandang lalagyan." She giggled at tumango sa akin. Tinulungan ko siyang ibalot iyon sa magandang lalagyan at tuwang-tuwa naman siya.
"Alam mo ba ang pangalan nila?" Tanong ko sakanya at umiling naman ang bata kaya ngumiti ako sakanya.
"We can ask them later." Sabi ko at tumango naman siya. Kung sino man ang may-ari ng orphanage na ito ay nagpapasalamat talaga ako dahil pinagawa niya ang orphanage na ito. Dahil sakanila ay nakilala ko ang mga batang ito at nagkaroon ako ng pangalawang pamilya.
Pinagbihis na silang lahat habang ako naman ay dumiretso na sa labas kung saan gaganapin ang programa nila. Nakaayos na ang lahat kaya lumapit muna ako sa mga staffs para makipagkuwentuhan.
"Nandiyan na ang magkapatid na Lim." Sabi ng isa kaya nagsiayos na kaming lahat. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na babe na nakasuot ng pant suit. She looks intimidating at talagang bakas sakanya na isa siyang iginagalang na tao. She looks dignified and my first impression to her is very strong. Matangkad siya at talagang ang fierce ng mukha niya na parang naglalakad sa runway. Is she a model? Maganda rin ang kasama nitong babae at talagang hindi maipagkakaila na maganda ang lahi nilang dalawa. Para silang lumabas sa isang movie na nakikita ko lang sa mga telebisyon.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nahigit ko ang aking hininga at pagkatapos ay umiwas ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa malakas na kabog nito. What happened to me? Ramdam ko rin ang pag-init ng pisngi ko dahil sa pagtatama ng mga mata naming dalawa.
Ibinalik ko ang tingin ko sakanya pero nagulat ako nang nakatitig parin siya sa akin kaya nag-iwas ako ulit ng tingin. Lihim akong nagbunyi nang maglabasan ang mga bata at lumapit sa akin kaya nawala ang atensyon ko sakanya.
"What a surprise! We should be the one giving you a surprise and gifts but here you are." Sabi ng babae na kasama ni Miss Princess. I call her Princess because of her beautiful face and perfect body. Para siyang galing sa isang disney movie at para taaga siyang prinsesa. Desite of her fierce appearance ay mas nangibabaw ang kagandahan niya.
"I'm Shina Yunice Lim and she's my younger sister." Sabi ni Miss Shina at itnuro ang kapatid niyang prinsesa. Napalunok ako nang kinuha niya ang mic habang nakatitig parin sa akin. Para akong hinihigop ng mga mata niya at hindi ko maiwasang titigan siya pabalik.
"We brought something for everyone." Sabi niya at naghiyawan naman ang mga bata. Lumapit ang mga bata sakanila at pinipigilan pa namin sila dahil nakakahiya pero nang makita ko ang natutuwang mukha ni Miss Shina ay hinayaan ko na lamang sila.
Our eye contact broke when she faces the children. Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong may humihila sa damit ko at nakita ko si Diane kaya ngumiti ako.
"You want to give them the muffins now?" Tanong ko at tumango naman ang bata kaya hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin ako sa direksyon nila at nakikipag-usap na siya ngayon sa head ng orphanage.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.