Chapter 12: Caught

1.6K 75 10
                                    


Aria.

I sneezed when my nose suddenly got itchy. Nandito ako ngayon sa faculty ng Light University. Isa si Ate Solar sa part time teacher dito kaya siya ang kasama ko ngayon. Hindi ko nga alam paano nangyari iyon pero pwede na akong magsimula magklase sa Senior High sa pasukan.

Next week na ang pasukan kaya sa maniwala kayo o sa hindi ay magmi-meet ulit kaming apat ngayon. Keirra gave me a card at sabi niya ay gamitin ko raw iyon para sa pambili ng mga gamit ko. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya ibibigay ko ang card niya kay Ate Shina.

"Magkapareho tayo ng faculty pero magkaibang strand ang focus natin." Sabi niya kaya tumango-tango ako.

"Nae-excite tuloy akong makakilala ng mga bagong estudyante." I giggled and she chuckled.

"HUMSS students ang tuturuan mo at iyan ang strand ni Venice kaya malaki ang possibility na maging estudyante mo si Venice." Sabi niya kaya ngumiti ako at tumango-tango.

"Alam mo ba pareho lang tayong nanggaling sa hirap." Natatawang sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

"Hindi ba't ikaw ang tagapagmana ng Jung Corporation?" Huwag kayo nag-research na ako tungkol sakanila. Hindi pala talaga biro ang mga bago kong kaibigan.

"Nope. I don't want to inherit our family's company besides I have my own money now. My brother will inherit the family's business." Sabi niya kaya kununot ang noo ko.

"May kapatid ka?" Tanong ko at tumango ulit siya.

"My brother's name is Thunder and Venice's sister is called Victoria." Nabasa ko rin ang mga pangalan nila! Akala ko pinsan nila ang nga iyon. Kailangan ko na talagang ayusin ang pagbabasa minsan.

Habang hinihintay namin ang dalawa ay kwinento niya sa akin ang nangyari sa buhay niya. May ganon pala talaga sa totoong buhay. Akala ko sa movies and novels lang nangyayari ang mga iyon.

Maraming nangyari sa buhay niya bago siya maging masaya. May mga problema parin naman siyang hinaharap pero ngayon ay mas malakas na siya lalo pa at kasama na niya sa bawat laban ang taong mahal niya.

"I'm not in the proper position to tell you what Kei's story is but when you'll know it ay sana mag-stay ka parin sakanya. I know I shouldn't be saying this but Kei is like my sister too." Does this mean na gusto niya ako para kay Keirra?

"Why me? Ang daming mas better na iba diyan. Mas maganda, mas sexy, mas sopistikada at di hamak na mas mataas ang pinag-aralan kaysa sa akin." Sabi ko sakanya.

"At bakit naman hindi ikaw? You have your own uniqueness just like everyone else. You're not just a pretty face." Napatingin kami kay Ate Shina na umupo sa isang upuan at humigop sa iniinom ni Ate Solar na blueberry shake.

"So ibig sabihin ay gusto mo nga si Ate Kei?" Napatingin din ako kay Venice na umupo sa vacant seat at uminom din sa coconut shake ko.

"Oo." Pag-amin ko.

The three of them smiled at me in a teasing way kaya bigla akong nahiya. Hindi ko rin alam bakit ang bilis naman ng pagkakahulog ko sakanya.

"Siguro dahil sakanya ko nahanap yung care na gusto ko? She cares for me and even saved me from my abusive aunt. She's the first person who appreciated the things I did." Napangiti ako nang maalala ang mga iyon. Kahit sa kaunting panahon lang ay nagkaroon na ako ng nararamdaman para sakanya.

"Natatakot din ako dahil sigurado akong mahaba pa ang panahon na makakasama ko siya at sa panahon na iyon ay mas lalong matuluyan ang pagkahulog ko sakanya."

"Sana nga kapag nalaman mo ang lahat ng tungkol sakanya ay hindi mo siya itaboy." I smiled sincerely at them.

"I really don't know what happened and Keirra is now a special person for me. Alam kong tumatawa siya at ngumingiti pero nandoon parin ang lungkot at pag-iisa sa ekspresyon niya." Napatingin ako sakanilang tatlo.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon