Kei.Nagising ako na masakit ang ulo. Bumangon ako nang masilaw ako sa sikat ng araw. I noticed a note at the table in my room kaya agad ko iyong kinuha at napakunot ang noo ko nang makita ang note doon ni Rie.
Hindi ka nalasing kagabi pero naulanan ka kaya baka lagnatin ka. Nagluto ako ng agahan para sa'yo para mainom mo na yung gamot mo.
I smiled because I know that she's worried about me. I wanted to tell her everything yesterday but I don't want to drag her in my mess. She's too precious to be included in my messy life.
I sighed.
ㅡFlashback
"Why am I invited as well? Pwede namang doon nalang tayo sa bahay mag-usap. What's with the oldies?" Napatingin ako kay Ate Shina dahil sa pagrereklamo niya.
Hindi ko naman siya masagot ng maayos dahil hindi ko alam bakit kami pinatawag lahat. Kasama pa nga si Mom na dapat ay nasa orphange. Bigla ko tuloy naalala si Rie, hindi pa siya kumain ng breakfast kaya sigurado akong magugutom siya. That girl is really stubborn ang aga pa niyang nagising kanina eh kung tutuusin may mga kasambahay naman para magluto ng almusal.
"Kei? Ayos ka lang ba? You look restless." Napatingin ako kay Monica dahil nahalata niya siguro ang expression ng mukha ko.
"Yes, ayos lang ako. Iniisip ko lang din bakit pinatawag kami nila lolo. Maging ikaw ay dapat kasama rin namin. Hindi ka ba nagtataka?" Tanong ko pero ginawaran lang niya ako ng tipid na ngiti kaya nagtaka ako.
May alam ba siya sa nangyayari ngayon? Bakit nga ba nandito siya eh may sarili naman silang bahay dito? She can just stay there if she wants at hindi nasa bahay namin.
Susundan ko sana si Rie kanina dahil baka kung anong mangyari sakanya lalo pa at hindi niya kabisado ang mga pasiktot-sikot dito. Nakatitig lang sa akin noon si Ate Shina at nakataas pa ang isang kilay niya. Tinanggal ko pa ang pagkakahawak ni Monica sa braso ko bago habulin si Rie pero nakaalis na siya.
"Bakit hindi mo nalang kasi sabihin ang totoo Monica? Hindi yung pa-smile smile ka lang diyan. I have work to do too." Sabi ni Ate Shina na halatang naiirita rin pero hindi siya pinansin ni Monica.
Nakarating kami sa building at dumiretso kami sa conference room kung saan naroon ang lolo at lola namin. Their aura is overflowing with authority kaya napaiwas ako nang tingin.
"Let's skip the formalities and get straight to the point." Sabi ni Ate Shina nang makaupo kaming lahat.
"You're being impatient Shina." Sabi ni lola.
"I have work po so I don't want to waste my time. Ano po bang sadya ninyo at talagang dumayo pa kayo dito sa Pilipinas?" Tanong ko sakanila kaya ngumiti naman sila sa akin.
"We're here to announce that Keirra here will be marrying Monica." Napatayo ako nang marinig ang sinabi ni lolo.
"Ano po!? Bakit ko naman po papakasalan si Monica!?" Tanong ko at halata rin ang pagkagulat sa mukha ni mom at dad maging si Ate Shina.
"Nasa modern time na tayo, are you seriously telling us na you'll be arranging a marriage between them!?" Tanong ni Ate Shina.
"Mas maganda iyon para ma-secure ang future ng kumpanya." Sabi ni lolo.
"No! Hindi ko papakasalan si Monica dahil hindi ko naman siya mahal! Bakit niyo po ba ginagawa ito? As far as I know ay wala namang problema ang kumpanya natin kaya bakit?" I bit my lower lip to refrain myself for shouting at them.
![](https://img.wattpad.com/cover/260151125-288-k174308.jpg)
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.