ARIA.Mabigat ang hakbang ko pauwi ng bahay dahil ayoko pa talagang umuwi. Nagkakasiyahan parin ang lahat kahit na nagsisimula nang magtrabaho ang magkapatid. Nagpaalam ako sakanilang lahat at gusto pa sana akong ihatid ni Keirra pero tumanggi ako dahil ayoko namang iwan niya si Ate Shina doon nang nag-iisa. Kumunot pa ang noo ko nang makitang nakabukas ang bahay kaya agad akong pumasok sa loob.
Napahilamos ako sa mukha ko nang makita ang mga nagkalat na gamit sa sahig ng bahay. Pinulot ko iyon at agad na iniayos. Pumanhik ako sa kwarto ko at nagbihis ng damit pambahay dahil mamayang hapon pa naman ang part-time ko. Maglilinis muna ako para hindi ako mapagalitan ng tita ko. Itinali ko ang buhok ko at nagsimulang maglinis ng bahay.
Sa susunod na araw ay aalis na ang magkapatid kaya kailangan ko nang magdesisyon agad. Gustong-gusto ko naman talagang tanggapin ang alok niya pero paano ako magpapaalam? Sigurado kong makakagalitan ako ng tiyahin ko kapag sinabi kong aalis ako ng La Union. Napaisip ako nang magandang dahilan para makaalis sa bahay na ito. Paano kaya kung sabihin kong nakahanap ako ng trabaho na nakabase sa ibang lugar? Pero maniniwala naman kaya sila?
Bumuntong-hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan. Miski pinagkainan nila ay hindi man lang nila magawang hugasan. Nang matapos kong maghugas ay bumalik ako sa kwarto ko para magpahinga pero kumunot ang noo ko nang makita ang phone ko na umilaw. Kinuha ko iyon at may mensahe doon mula sa hindi kilalang numero.
From: 090********
Have you decided? This is Kei. I got your number from the head of the orphanage.
Napalunok ako sa mensahe niya at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Why is my heart beating so fast again? Nakakainis kasi hindi ko alam kung anong meron at lagi nalang ganito ang reaksyon ko. It's just Keirra.
The girl who's making you confused right now.
I literally slapped my forehead dahil sa naisip kong iyon. Ano bang iniisip ko? Nababaliw na yata ako dahil sa dami ng problema ko. Nadagdagan pa ang iniisip ko dahil sakanya. Bumuntong-hininga nalang ako at napailing bago naisipang sagutin ang text message niya. I decided to change her name para hindi ako malito.
To: Keirra
Pinag-iisipan ko pa. May dalawang araw pa naman ako diba? Bakit nga pala nagte-text ka? Diba dapat naka-focus ka sa trabaho niyo ni Miss Shina?
Sent.
Busy na kasi sila nang iwan ko sila sa orphanage. Tinitignan nila ang buong structure ng orphange at nagtitingin na rin ng pwedeng idagdag. Wala naman kasi talaga akong masyadong alam doon kaya hindi na ako nakiusisa pa at isa pa baka masabihan ako pakialamera. Umilaw ulit ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan doon ni Keirra.
From: Keirra
My sister's doing her work. I am bored already since she specialized in this things. How about you tour me around here?
Recieved.
Napabangon ako sa text message niya dahil nga nakahiga ako at nagpapahinga. Bakit sa akin pa siya magpapa-tour eh pwede naman siyang magbayad ng ibang tao para i-tour siya sa buong lugar o kaya magpasama siya sa mga staff sa orphanage.
To: Keirra
Magpasama ka nalang sa isang staff sa orphanage, Keirra. May trabaho din ako, sayang ang kikitain ko.
Sent.
I bit my lower lip and patiently waiting for her reply. Hindi ko talaga maintindihan bakit nae-excite ako sa reply niya. Mabuti nga at hindi pa nag-expire ang load ko at naka-reply pa ako sakanya. Ang swerte ko naman ngayong araw. Nahigit ko ang hininga ko nang may mensahe galing sakanya. Binuksan ko agad iyon at literal akong napanganga sa reply niya.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.