Chapter 8: Saved

1.7K 79 2
                                    


Aria.

Nagising ako nang maramdaman kong may yumugyog sa balikat ko. I let my eyesight adjust. Napatingin ako sa yumugyog sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Keirra iyon. Natawa siya sa reaksyon ko at iniabot sa akin ang isang paperbag na mukhang galing sa mamahaling store.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko at umatras ng kaunti dahil nga kakagising ko lang at baka may bad breath ako.

"Try mo nga kainin?ㅡmalamang isusuot mo iyan!" I rolled my eyes at her. Ang ayos kaya ng tanong ko!

"Para saan? Mahal ito diba? Nakikita ko ito sa mga kaklase kong mayayaman noon." Sabi ko at nagkibit-balikat lang siya.

"Let's visit the orphange before we leave. Babalik na tayo ng Manila at sasama ka sa amin diba? Your things are already packed." Oo nga pala. Lilisanin ko na ang lugar na ito kaya dali-dali akong tumayo at dumiretso sa banyo para gawin ang morning routine ko at maligo.

Nang matapos maligo ay nagbihis agad ako. Lumabas ako ng banyo at humarap sa salamin ni Keirra. Dito ako sa kwarto niya natulog at siya naman ay sa tabi ni Miss Shina. Napatitig ako sa sarili kong repleksyon at ngayon ko lang natitigan ang sarili ko. I look so pale, napahawak ako sa mukha ko nang mapansin ang mga pasa doon. I look horrible right now and I thank God they didn't asked further yesterday about what happened to me.

"You're done?" Bahagya pa akong napatalon nang marinig ko ang boses ni Miss Shina. Nasa likod ko na pala siya at may dalang hindi ko alam kung ano.

"Sit down and I'll dry your hair." Sabi niya kaya sumunod ako sakanya at umupo sa harap ng salamin.

"You look beautiful, Aria. I'll put on some concealer for your bruises." Nakangiting sabi niya habang ako ay tumatango lang dahil hindi ko naman alam kung ano ang isasagot kaya sige nalang.

Biglang may mainit na hangin sa ulo ko kaya literal akong natuod sa kinauupuan ko habang si Miss Shina naman ay natawa sa reaksyon ko.

"Relax! This is just a blower. Haven't you touched a blower before?" Tanong niya kaya umiling ako.

"Hindi ko naman alam paano gumamit niyan Miss Shina at isa pa dagdag gastos lang. Matutuyo rin naman ng kusa ang buhok ko." Sabi ko sakanya.

"I told you to call me Ate Shina, right?" I nodded.

"I'm sorry. Hindi lang talaga ako sanay, Ate Shina." I smiled shyly and she just giggled.

Naglagay siya ng parang cream sa mukha ko at na-amaze ako nang natakpan nga ang mga pasa ko sa mukha. Naging pinkish din ang labi ko dahil sa ipinahid niya. I look like a decent person right now kaya napangiti ako.

"Ano bang tawag mo sa nilagay mo sa mukha ko, Ate Shina?" Tanong ko.

"Concealer and lip gloss. Sabi na babagay siya sa'yo." Tumayo ako at tinignan ang kabuoan ko sa salamin at ngumiti.

"Let's go?" Napatingin ako kay Keirra na nagbukas ng pinto. Sandali siyang natigilan at pagkatapos ay ngumiti rin agad.

"You look different." She chuckled kaya bigla akong nahiya. Bumilis ang tibok ng puso ko at napaiwas ako ng tingin. Naramdaman ko pang uminit ang pisngi ko.

"Tara na! Para mas matagal makasama ni Aria ang mga bata then I'll message mom and dad na may kasama tayong uuwi." Putol ni Ate Shina. Lihim akong nakahinga ng maluwag nang umeksena siya dahil baka ma-suffocate na ako.

Lumabas na kami ng building at inilagay na namin ang mga gamit ko sa sasakyan nila. Kaunti lang naman ang dala nila habang ako ang may maraming dala dahil lahat yata ng nasa kwarto ko ay talagang ibinalot nila. Ang laki ng sasakyan nila.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon