Chapter 6: Saving The Angel

1.7K 83 2
                                    


KEI.

Kumunot ang noo ko nang mapansin na naka-facemask ulit si Rie. Hindi kasi kami nakalabas kahapon dahil biglang tumawag si Ate Shina dahil kailangan niya ng tulong ko kaya cancelled and pagsama niya sa akin kahapon. Hindi ko na siya nausisa pa dahil nagmamadali na ako. Nakalugay rin ang bagsak na buhok niya at nakatabing sa mukha niya.

"You look like a ghost from a movie, Rie." Kumento ko at mukhang nagulat naman siya dahil napatingin siya sa akin pero agad din siyang umiwas kaya tumaas ang isang kilay ko. What's wrong with this angel?

"Are you sick?" Tanong ko at akmang hahawiin ang buhok niya nang umatras siya kaya mas lalo akong na-curious sa kung anong meron. She's obviously hiding something and it's on her face.

She was about to step backward again when I swiftly grab her arm and turn her around and quickly catch her body before she falls to the ground. Nagulat yata siya dahil tila natuod siya kaya dali-dali kong tinanggal ang facemask na nasa mukha niya. Kumunot ang noo ko nang makita ang malaking pasa sa mukha at maging sa gilid ng noo niya. Putok ang gild ng labi niya kaya inayos ko ang pagtayo sakanya.

I can feel my blood boiling in anger as I see her face. Puffy rin ang mukha niya at halatang kulang sa tulog dahil medyo nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.

"What the hell happened to you?" Iniiwasan kong magtaas ng boses dahil nasa harap kami ng orphanage pero hindi ko maiwasang makaramdam ng galit dahil sa mga pasa niya. Sinong hayop ang gagawa nito sakanya?

"A-Ayos lang ako! T-Tara na!" Sabi niya pero hindi ko siya pinansin at isinakay sa loob ng sasakyan ko. Naguguluhan man ay hindi siya nagsasalita.

"Saan mo ba gustong pumunta?" Tanong niya kaya nagtiim-bagang ako. She's obviously tired and worn out pero may balak parin siyang magtrabaho. I didn't know what really happened pero may hula na ako. I suddenly have this urge to protect this angel beside me.

"We're going to the hotel. You rest there and wait for me." Sabi ko at napasinghap naman siya. Magrereklamo pa sana siya pero itinigil ko ang sasakyan.

"Just do what I say okay? Ate Shina's there so you won't be bored." Umiwas siya ng tingin. Napailing nalang ako nang ibalik niya ang suot niyang facemask.

Tumigil ako sa Mang Inasal para mag-take out ng pagkain dahil alam kong nagc-crave rin ang ate ko sa Mang Inasal dahil kahapon niya pa ako binubuwisit kasi gusto niya raw ng Inasal. Inilagay ko sa back seat ang take out at nag-drive ulit. Tumigil ako ulit sa pagmamaneho dahil may nakita akong ice cream house at agad na bumili ng ice cream. Bumili rin ako ng refreshments para sakanila.

Pagkabalik ko sa sasakyan ay napansin kong nakahilig na ang ulo niya sa gilid. Agad kong kinuha ang neck pillow at inilagay iyon sa leeg niya. Malalim ang tulog niya siguro dahil hindi man lang siya nagising sa ginawa ko.

Mabilis akong nagmaneho para makarating kami agad sa hotel. Nang makarating kami ay nag-text ako sa kapatid ko na bumaba siya para kunin ang mga binili ko. Akala ko pa nga ay hindi niya nabasa dahil nga busy siya pero nag-text naman siya ng 'on the way' kaya hinintay ko siya.

"Is that Aria?" Tanong niya nang makita ang kasama ko.

"Can she stay here with us for the mean time, Ate?" Tanong ko at ngumiti naman siya. Binuksan niya ang pinto sa backseat at kinuha ang nga paper bags doon.

"Oo naman! I want to get closer to her too. I guess something happened kaya tumaas na tayo." Sabi niya kaya ngumiti ako at binuhat si Aria. She's too light, kumakain ba siya ng maayos?

"Awwww, you brought Mang Inasal!" Sabi niya nang mapansin ang paperbag ng Mang Inasal kaya naman natawa ako sa reaksyon niya. I actually bought everything she's craving. I also promised Victoria to take care of my sister habang inaayos niya ang lahat.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon