Chapter 26: The Heart's Desire

1.3K 82 1
                                    

Aria.

Nagising ako na ramdam parin ang hilo. Una kong nakita si Venice na umiiyak at siya rin ang naunang lumapit sa akin.

"Ate Aria! Mabuti at gising kana, akala ko hindi kana magigising." Sabi niya at suminghot singhot pa kaya natawa ako ng bahagya.

"You scared us! Ano ba talagang nangyari doon?" Napatingin ako kay Ate Shina na lumapit din sa kinaroroonan ko.

"I-I was justㅡ" Kinapa ko ang suot ko at nakasuot na ako ng polo shirt pero hindi sa akin ito.

Rumehistro ang pamilyar na amoy nang taong dahilan kung bakit bumibilis ang pagtibok ng puso ko. I was about to ask for her when a familiar sweet scent invaded my whole system and someone pulled me into a crushing hug.

"Don't do that again! Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo! I'm glad I was just on time when I pulled you up." Sabi pa niya at mas humigpit ang pagkakayakap sa akin. I bit my lower lip and hugged her back.

"I'm fine now Keirra." Bulong ko at humiwalay sakanya. I kissed her forehead and caressed her cheek.

Namumula pa ang mga pisngi niya at ngayon ko lang siya nakitang ganito kaya pigil na pigil ang pagngiti ko. They always say that Keirra is the dominant one kaya talagang sobrang cool ng tingin ko sakanya but she has this cute side too. Kagaya nalang kapag kagigising niya sa umaga.

May mga times na sa sobrang antok pa niya ay ngumunguya pa siya habang nakapikit. She's always in daze or focused when she's eating her strawberries. Pinapalobo rin niya ang pisngi niya minsan kapag nafu-frustrate siya sa ginagawa niya.

When she's upset naman ay hindi ka niya kakausapin pero after awhile ay biglang magpapa-baby. I am very observant when it comes to her.

"May tao pa dito guys!" Agad naman akong natauhan nang marinig ko ang sinabi ni Venice na sinundan nila Ate Solar ng tawa.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo Aria?" Tanong ulit ni Ate Shina kaya ngumiti ako at tumango sakanya.

"Maayos na po Ate Shina." Sagot ko.

"Magbihis ka muna para makakain ka. Hindi ka pa nag-lunch kaya kailangan mong kumain." Sabi ni Ate Solar.

"Sige po." Sabi ko at inalalayan pa ako ni Keirra. She's extra sweet today and I don't know why.

"Ako na ang bahala sakanya Ate Kei. Problemahin mo si Ate Monica at mukhang kanina pa siya naghihintay sa'yo." Sabi ni Venice kaya natigilan din ako.

Oo nga pala, may Monica na naghihintay sakanya. Nakita ko ang tingin ni Keirra kaya alanganin akong ngumiti sakanya. Humigpit ang hawak ko sa braso ni Venice at mukhang nakahalata na rin ang mga kasama namin.

"Go and get changed Aria. I still have to talk to Kei about something." Singit ni Ate Moon dahil mukhang hindi alam nila Ate Shina kung paano mapapawala ang awkwardness.

"Tara na Ate Aria." Sabi ni Venice at sinamahan na ako sa kwarto namin para magbihis. Suot ko parin pala ang swim suit kaya napahinga ako ng maluwag nang makapa ko ang mga pearls na nakuha ko kanina.

"The shell that I gave you, do you have it?" Tanong ko kay Venice.

"Nandoon sa kwarto natin. You really risked your life just to get shells for what, Ate?" Tanong niya kaya ngumiti ako sakanya.

"You'll know later dahil sasamahan mo ako." Sabi ko at kumunot naman ang noo niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya.

"May alam ka bang jewelry shop dito? Yung gumagawa ng rush?" Tanong ko at dahan-dahan naman siyang napailing kaya napaisip ako.

"Para saan ba ate? Bibili ka ba ng alahas? Bakit hindi ka nalang doon sa Manila bumili?" Puno ng curiousity ang boses niya.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon