Chapter 32: I'll Save You Too

1.5K 66 4
                                    


ARIA.

"May napapansin ako." Napatingin ako kay Ate Solar nang magsalita siya.

"Ako rin eh." Natatawang sabi ni Ate Shina kaya kumunot ang noo ko sa sinabi nila.

"Anong napapansin? Kadaya niyo ha!" Natawa ang dalawa sa reaksyon ni Venice.

Pinayagan ako ni Keirra na makipagkita sa mga kaibigan ko dahil gusto niya raw kausapin sina Tita at Tito kaya umuwi muna siya ng mansyon nila. Kasama ko si Ate Shina dahil alam na rin naman daw niya kung ano ang sasabihin ni Keirra.

"Seryosong tanungan ha. Wala akong masasabi kapag ikaw ang napili ng kapatid ko sa totoo lang kasi alam kong maaalagaan mo siya." Biglang nag-init ang mga pisngi ko at napaiwas ko nang tingin.

"A-Ano ba iyon?" Alanganing tanong ko at ngumiti naman silang dalawa sa akin habang si Venice ay halatang curious din.

"Kayo na ba ni Kei?" Napalunok ako sa tanong ni Ate Shina habang si Venice naman ay napasinghap at si Ate Solar ay nagpipigil ng tawa dahil kay Ate Venice.

"Hala! Iniisip ko rin iyan kasi syempre diba nakita pa natin kanina na hinalikan siya sa noo ni Ate Keirra!" I bit my lower lip when I saw Ate Shina smirk.

"I actually confessed to her when I found her on the rooftop." Nanlaki ang mga mata nila at nagkatinginan silang tatlo at bumaling sa akin.

"So kayo na?!" Umiling ako at kumunot naman ang noo nilang tatlo.

"Ano ba yan! Akala ko naman si Ate Kei ang top mukhang baliktad pa yata!" I chuckled when Venice suddenly brought up that topic again.

"I don't want her to think na minamadali ko siya. I confessed to her pero hindi ibig sabihin na kami na agad." I giggled and they smiled.

"Huwag kang epal diyan kasi si Kei parin ang top." Sabi ni Ate Solar at nagtawanan ang dalawa habang si Venice naman ay umirap lang.

"Basta Team KeiRi parin 'to!" Ano daw? Kailan pa nagkaroon ng ganon?

"Bagong ship ba?" Natawa si Shina.

"Sa tingin niyo ba may pag-asang magustuhan niya rin ako?" Tanong ko at ngumiti ng malawak si Ate Shina pagkatapos ay hinawakan ako sa balikat.

"Team KeiRi din ako at hindi ako papayag na hindi kayo magkatuluyan." Natawa si Solar at hinawakan din ko sa kamay.

"Team KeiRi din ako kaya hindi rin ako papayag na lumubog ang barko ko." Kumunot ang noo ko dahil naguguluhan ako sa mga sinasabi nila.

"Huwag niyo ginugulo isip ni Ate Aria baka mamya hambalusin tayo ni Ate Kei eh." Napailing nalang ako sa kabaliwan nilang tatlo. Basta talaga kalokohan si Venice ang nangunguna. Siya rin kaya ang asarin ko?

"Eh kayo ni Thunder?" I bit my lower lip when she blushed and look away.

"Huwag mo nga mabanggit-banggit yung pangalan niya, Ate Aria. F-R-I-E-N-D-S lang kami." She rolled her eyes and take sip on her juice.

"Are you having a lovers' quarrel again?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ni Ate Solar habang kami naman ni Ate Shina ay nagpipigil lang ng tawa.

"Ate Solar naman eh!" She pouted and we laughed at her.

Napatingin ako sa phone ko nang umilaw iyon. There is message from her kaya agad ko iyong binuksan.

From: Keirra

I'm on my way. What do you want to eat?

Recieved.

I bit my lower lip and refrain myself from smiling dahil baka tuksuhin ako ng mga kasama ko. Napatingin ako sakanila at nakita kong inaasar ng dalawang ate si Venice kay nagtipa ako ng reply.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon