Aria.Hindi ko mapigilang mag-alala habang hinihintay ang balita mula kay Ate Shina. I sighed and stared at my phone.
"Magiging maayos lang ang lahat. We'll just let Kei realize what she really feels for you." Sabi ni Ate Solar kaya ngumiti ako sakanya.
"Hindi ko lang mapigilang mag-alala Ate Solar. May pagka uto-uto rin kasi si Keirra eh baka kung ano na naman maisip niya kung sakali." Sabi ko at natawa naman si Ate Solar sa sinabi ko.
"Makikita natin kung ano ba talagang pipiliin ni Kei. Magtiwala ka lang kay Shina, abnormal ang babaeng iyon pero maaasahan siya." Sabi niya at marahan pang ginulo ang buhok ko kaya napangiti nako at tumango.
Tinulungan ko nalang muna si Ate Solar na magluto dahil malapit na rin ang lunch time. Bago ko pa mahawakan ang sandok ay biglang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ko kaya agad ko iyong kinuha dahil baka si Keirra na naman iyon.
Hindi ko kasi sinasagot ang tawag o text niya dahil bilin iyon ni Ate Shina. Kumunot ang noo ko nang unregistered number iyon kaya agad ko iyong binuksan at napailing.
It was a message from Monica, she told me that she knows where I am and she wants to meet me. I think this is the perfect time to talk to her lalo pa at siya na mismo ang nag-aya.
"Ate Solar, lalabas lang po ako saglit." Paalam ko kaya nagtaka siya.
"Huwag po kayong mag-alala ate, saglit lang ako at sisiguraduhin kong hindi ako makikita ni Keirra." Nakangiting sabi ko kaya huminga siya ng malalim.
"Fine. Basta magiingat ka. Do you want me to send you?" Tanong niya kaya mabilis akong umiling sakanya.
"I can manage Ate Solar, baka magalala si Ate Moon. Malapit lang naman ang pupuntahan ko." Sabi ko para hindi na siya mag-alala.
"Text me when you get there. Sabihin mo rin sakin kung magpapasundo ka." I smiled. I'm thankful that I have an older sister like Ate Shina and Ate Solar idagdag mo na rin si Venice bilang parang bunsong kapatid ko.
Nagpaalam na ako ulit kay Ate Solar at lumabas ng mansyon nila. Buti nalang may taxi na dumaan kaya pinara ko agad iyon at sinabi ang address na ibinigay ni Monica. Malakas ang kutob ko na tungkol kay Keirra ang pag-uusapan naming dalawa.
Nagbayad ako at bumaba ng sasakyan. Pumasok ako sa coffee shop at agad ko siyang nakita sa pinakadulo sa gilid kaya dumiretso ako sakanya at umupo sa upuan sa harap niya.
"Bakit mo ako tinawag dito?" Tanong ko sakanya at inilapag niya ang tasa na iniinuman niya.
"I think you already know what we will talk about today." Sabi niya kaya ngumiti ako sakanya.
"Keirra wants to call off the wedding." Anunsyo niya kaya bigla akong nabuhayan. Gumana ba ang plano ni Ate Shina?
"I won't let her cancel the wedding." Seryosong turan niya kaya napatingin ako sakanya.
"Hindi ba parang ang selfish mo naman kapag ginawa mo iyon?" Tanong ko sakanya.
"And do you think she's not selfish?" Natigilan ako sa sinabi niya.
"Sa tingin mo ba papayag siya makasal sa'yo nung una kung makasarili siya?" Siya naman ngayon ang natahimik.
"Hindi masamang maging makasarili minsan kung para naman sa ikakasaya mo yung choice mo." Dagdag ko pa sa sinabi ko.
"Keirra was selfish before but she decided to accept the proposal from her grandparents to make up for the awful things she did."
"That's why I'm here to make her happy."
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.