Aria.Nawalan ako ng gana para pumasok kaya nag-iwan nalang ako ng mensahe kay Tita Sherry na masama ang pakiramdam ko. Bukas ko nalang siguro ipapaliwanag kung bakit. Napatingin ako sa orasan at nakita kong malapit na ang lunch time kaya agad akong tumayo para gumawa na ng tanghalian para kay Keirra. Hindi ko pa alam kung ano ang pwedeng mangyari pero iniisip ko na agad kung saan ako pwedeng lumipat. I shouldn't be living with her since she's getting married soon.
I felt my heart clenched on that thought pero wala naman akong magagawa. Kahit lunurin ko pa ng pagmamahal si Keirra ay hindi iyin sapat lalo pa at masyadong malayo ang agwat namin sa isa't-isa. She's a princess and she deserve everything and I cannot give her that.
"R-Rie?" Napakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni Keirra. She looks confused and worried kaya ngumiti ako ng pilit.
"May kailangan ka ba? Ano nga pala ang gusto mong lutuin ko para sa tanghalian? Do you have a specific request?" Tanong ko sakanya at umiling siya.
"How about you cook your favorite food?" Tumango ako sakanya at nagsimula na sa pag-prepare.
Para akong nasu-suffocate habang nasa tabi ko siya kaya napahinga ako nang malalim. I should open a conversation about my plans para hindi ko siya mabigla pero paano?
"I-I'm moving out." Mahinang sabi ko at nagulat ako nang hilain niya ang braso ko at ipaharap ako sakanya.
"Why are you moving out? Saan ka naman pupunta?" Nakakunot ang noo niya kaya bahagya akong umatras sakanya dahil para akong mauubusan ng hininga.
I adjusted myself and stared at her. I calmed myself because my heart is starting to beat abnormally again. Malakas ang epekto sa akin ni Keirra at hindi iyon maipagkakaila.
"H-Hindi ko pa alam pero lilipat na ako. Ayaw kong may maisip na iba ang mapapangasawa mo." Sabi ko at akmang tatalikod na naman sakanya para ipagpatuloy ang ginagawa ko nang hapitin niya ako sa bewang at hilain palapit sakanya.
Napasinghap ako at napahawak sa magkabilang balikat niya. She's tall kaya naman madali lang sakanya ang pagkulong sa akin sa mga bisig niya.
"You have nowhere else to go so you'll stay here. Monica won't be living here and besides we have a deal that you'll live with me while you're here." Napaiwas ako ng tingin.
"P-Pwede naman akong maghanap nalanh ng ibang malilipatan. Hindi ka ba naiilang na may ibang babae dito kahit na ikakasal kana?" I gulped when she leaned in.
"This is my home kaya walang karapatan si Monica na magpunta dito. You will stay here lalo na at wala ka namang ibang mapupuntahan." I sighed.
"Then kapag may nahanap ba akong pwedeng tirahan ay pwede na akong umalis?" She gave me a disapproving look.
"Why are you so eager in leaving me here?" I bit my lower lip nang mas lumapit pa siya sakin at magkadikit na ang ilong naming dalawa.
"K-Kasi nga ayokong makaㅡ"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang idampi ang labi niya sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ipo-proseso sa utak ko ang nangyayari pero ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko.
Napahigpit ang kapit ko sa balikat niya habang siya naman ay nagsimulang gumalaw ang labi niya. Hindi ko alam pero nadadala ako mga halik niya kaya hindi ko na mapigilang pumikit at sumunod sa galaw ng labi niya.
"Hmmm." Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng lakas. Hinapit niya pa ako palapit sakanya kaya halos wala nang distansya sa aming dalawa.
She licked my lower lip before pulling away and stared deeply into my eyes. Habol ko ang aking hininga at pakiramdam ko ay sobrang pula ng mukha ko kaya napasandal ako ng ulo sa dibdib niya. Mamamatay pa yata ako ng maaga dahil sa ginawa ni Keirra.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.