Aria.Matapos kong magluto ay agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Nagbabad muna ako saglit bago nagdesisyon na magbihis na. Itinali ko ang buhok ko at nagsuot ng damit na kumportable para hindi ako mairita sa suot ko. Nagwisik ako ng pabango na binili ko nang makuha ko ang unang sahod ko sa pagtatrabaho kay Tita Sherry.
Naglagay ako ng kaunting powder sa mukha at leeg bago lagyan ng tint ang labi ko. Gamit ko parin kasi ang ibinigay sa akin ni Venice. Naglagay ako ng panyo at ang wallet ko sa sling bag na dadalhin ko. Kinuha ko na rin ang phone ko at binuksan ang pinto. Nagmamadali akong bumaba at bahagya pang nagulat nang makita ko si Keirra na nasa hapag at kumakain ng strawberries.
"P-Pinapapunta kasi ako ni Ate Solar sakanila kaya syempre pupunta ako doon." Sabi ko.
"Ihahatid kita." Sabi niya at bago pa ako makaangal ay tumayo na siya at tumakbo papunta sa taas kaya napailing nalang ako.
Ayoko sana kasi nga naiilang ako lalo na saㅡbasta ginugulo niya ang isip ko! Inayos ko ang kinakain niya at ibinalik sa ref ang natirang strawberries para hindi masira kaagad.
Ilang minuto lang ay bumaba rin siya agad pero hawak na niya ang susi ng sasakyan niya. Agad akong sumunod sakanya at habang pababa ang elevator ay hindi ako tumitingin sakanya. Naaalala ko kasi ang nangyari kanina at namumula talaga ako kapag naaalala iyon.
"What time will you go home?" Tanong niya kaya bigla ko namang inilabas ang phone ko at tinignan jung may oras bang sinabi si Ate Solar.
"H-Hindi ko alam pero magpapahatid nalang siguro ako kay Ate Shina para hindi ka maabala." Sabi ko at pagharap ko sakanya ay naka-cross arms siya sa akin at titig na titig kaya napaiwas din ako kaagad.
"I will fetch you, just text me what time will you go home and make sure na hindi ka gagabihin." Sabi niya kaya tumango-tango ako sakanya.
Nakahinga ako ng maluwag nang makarating na kami sa ground floor. Sumakay agad kami sa sasakyan niya at mabilis niyang pinaandar ito. Tahimik ang buong biyahe kasi hindi ko rin naman alam paano magsisimila o magbubukas ng conversation. Nagtaka pa ako nang itigil niya ang sasakyan sa Mang Inasal.
"You haven't eaten lunch yet kaya might as well ay bumili nalang tayo ng pagkain ninyo doon. Magugustuhan din ito nung tatlo kasi mahilig sila dito." Sabi niya kaya tumango-tango ako.
Paborito rin pala talaga nila ang Mang Inasal kaya na-excite ako bigla. Makalat kasi kami kumain ng Inasal at talagang walang nag-iinarte sa amin. Kain kung kain habang nagkakamay. Hindi na ako sumama kay Keirra dahil saglit lang naman daw siya kaya hinintay ko nalang siya dito.
Lumabas naman siya agad na may hawak nang malaking paperbag na may tatak ng Mang Inasal.
"May iba pang food sa loob maliban sa chicken para hindi kayo maumay." Sabi niya kaya napangiti ako. She's really thoughtful kaya siguro mabilis lang din akong nahulog sakanyaㅡikakasal na siya self!
"T-Thank you Keirra." Sabi ko at ngumiti saknya dahil talagang naa-appreciate ko ang sweetness niya ngayon.
Mabilis kaming nakarating sa gate ng mansyon nila Ate Solar at mabilis din nila kaming pinagbuksan. Nakita ko pa nga ang tatlo na naghihintay sa akin sa main door kaya natawa ako.
"Hindi na ako bababa. Message me kapag uuwi kana okay? Huwag mo nang abalahin si Ate Shina dahil uugod-ugod na siya." Natawa naman ako sa sinabi niya tungkol sa kaaptid niya.
"Oo na po. Ingat ka pauwi ha?" Nakangiting sabi ko at akmang bababa na nang hilain niya ang braso ko at mabilis akong hinalikan si labi kaya nanlaki ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.