Aria.Kasama ko ulit ang tatlong bagong kaibigan ko at nandito kami sa mall dahil may gusto raw bilhin si Venice. Nakaupo lang ako habang umiinom sa inumin ko na inilibre ni Ate Solar.
Gusto kong usisain si Ate Shina sa nangyari kanina pero paglabas niya ng opisina ni Keirra ay nakakunot ang noo niya at halatang wala na sa mood kaya hindi na kami nagtanong. Sabi niya ay natext niya na raw si Ate Moon at Keirra na kasama niya raw kami kaya wag na sila mag-alala kapag hindi nila kami naabutan sa opisina nila.
Nagpaalam si Ate Solar na magbabanyo habang si Ate Shina naman ay pupunta raw sa National Bookstore at may bibilhin lang na libro saglit.
Naiwan ako dito na pinapanood lang si Venice. Napatingin ako sa labas dahil glasswall ang botique na pinasukan namin kaya kita parin sa labas. A certain child caught my attention kaya napatitig ako sa bata.
The kid is staring at the people who are eating kaya wala na akong sinayang na oras at tumakbo palapit sakanya.
"Hi." Nakangiting bati ko at napaatras naman siya nang makita niya ako.
"I won't hurt you. Anong pangalan mo?" Tanong ko at nag-hesitate pa siya bago magsalita.
"Anna po." She answered shyly kaya mas napangiti ako sakanya.
"Anong ginagawa mo dito Anna? Tirik na tirik ang araw ah? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko sakanya.
"Dalawang araw na po kasi kaming walang makain. May sakit din po yung kapatid ko." I really have a soft spot for kids dahil naawa ako sa bata nang marinig ko iyon mula sakanya.
"C-Can you show me where your friends are?" Tanong ko at nakita kong parang nabahala naman siya.
"Gusto ko kayong bilhan ng pagkain niyo para hindi na kayo magutom." Nakangiting sabi ko at doon lang nagluwanag ang mukha niya kaya napangiti ako.
"Halika samahan mo ako." Sabi ko at inilahad ang kamay ko na agad naman niyang tinanggap. Mabuti nalang pala at may Jollibee fast food di kalayuan dito kaya inaya ko siya doon.
"Ilan ba kayo doon?" Tanong ko sakanya at nag-isip naman siya at ipinakita ang dalawang kamay niya. I think the answer would be ten or more than that.
I ordered a lot of food, nagtanong pa ang isang crew kung gusto ko raw bang i-deliver nalang nila sa certain location pero tumanggi ako. Kaya ko namang buhatin ang mga pinamili namin, they put it in five big paperbags na may hawakan. Binitbit ko ang apat at si Anna naman ang naghawak ng isa.
May kabigatan ang dala ko pero kaakyanin naman. Malapit lang daw ang lugar nila at tama nga siya dahil pumasok kami sa isang abandunadong maliit na bahay at nakita ko doon ang walong bata at dalawang baby. Bigla akong nakaramdam ng awa sakanila lalo pa at may baby pa sakanila.
"Ate Jas! May pagkain kaming dala!" Sigaw ni Anna at napatingin sa amin ang tinawag niyang Ate Jas. I think nasa fourteen palang siya at hula ko ay siya ang pinakamatanda sakanila.
"Anna?! Sino ang kasama mo?" Takhang tanong niya at ngumiti naman ako sakanya. Inilapag ko ang apat na paperbag malapit sakanila.
"Nandito ako para tulungan kayo. Bakit kayo narito? Tumakas ba kayo sa ampunan?" Tanong ko at umiling si Jas.
"Maraming salamat sa tulong mo pero kung balak mo kaming ibalik sa ampunan na pinaggalingan namin ay huwag na. Mas mabuti pang magpalaboy-laboy nalang kami dito kaysa bumalik sa impyernong iyon." I can sense the anger and hatred in her voice.
"N-Nagdala ako ng pagkain para sainyo. Nabanggit kasi ni Anna na dalawang araw na raw kayong hindi kumakain." Sabi ko at napatingin sa hawak hawak niyang sanggol.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.