Chapter 4: The Offer

2K 76 3
                                    


ARIA.

Napatingin ako sa cellphone ko na malapit na yatang masira. Nakita ko ang pangalan doon ni Tita. Nag-text siya sa akin na huwag muna raw akong uuwi dahil sa bahay daw magpapalipas ng gabi ang mayamang boyfriend ng anak niya. Okay lang naman sa akin dahil dito naman talaga ako sa orphanage magpapalipas ng gabi.

Kinuha ko ang wallet ko at binilang ang laman non. Nasa isang libo lahat iyon kaya hindi ako naga-alala bukas dahil may ibibigay akong pera sakanila. Sana lang talaga ay hindi na naman igastos ni Tita ito para sa pagsusugal niya. Bumuntong-hininga ako at inilagay ang wallet sa bulsa ko. Babalik na sana ako sa loob nang bigla kong makasalubong si Miss Shina kaya nagulat ako.

"Why are you here instead of enjoying inside?" Tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Nagpapahangin lang po MiーAte Shina." Sabi ko at tumango naman siya.

"You're right medyo mainit nga sa loob pero masaya naman." Sabi niya na nakangiti.

"Mukhang malungkot ka." Sabi ko at nagulat siya sa sinabi ko pero ngumiti rin nang makabawi mula sa pagkagulat.

"I'm happy pero mas nami-miss ko siya ngayon." Sabi niya kaya tumabi ako sakanya at hinayaan naman niya ako.

"Naranasan mo na bang magmahal Aria?" Tanong niya kaya napatingin ako sa tinitignan niya. "Hindi pa eh. Wala akong panahon sa ganyan." Sagot ko sakanya kaya napatingin naman siya sa akin at kununot ang noo niya kaya alanganin akong ngumiti sakanya.

"Ilang taon kana?" Tanong niya sa akin kaya kahit nagtataka ay sinagot ko siya.

"Twenty-one." Sabi ko.

"Bakit naman wala kang panahon sa pag-ibig?" Tanong niya kaya nagkibit-balikat ako sakanya.

"Maaga kasing namatay ang parents ko kaya si Tita na ang nag-alaga sa akin. Hindi niya ako binigyan ng pang-aral ko kasi pinapalamon na raw niya ako kaya nagsikap ako para makatapos." Sabi ko.

"I'm sorry to hear that." I waved it off and chuckled.

"Ganon naman ang buhay eh sadyang minamalas lang ako. Magdodoktor dapat ako eh pero hindi ko kaya ang gastos doon kaya Education ang bagsak ko." Sabi ko at nakita kong nakatitig lang siya sa akin.

"Hindi rin ako makaipon kasi ibinibigay ko ang malaking porsyento ng kita ko sa bahay dahil wala namang trabaho si tita at ang anak niya." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko kaya natahimik ako bigla. I shared too much information about my life.

"Why don't your aunt look for some job? Ilang taon na ba ang pinsan mo?" Magkasunod na tanong niya kaya wala na akong nagawa kundi sumagot sakanya.

"Lagi siyang nasisisante dahil sa kayabangan niya. Twenty-three na si Ate Debbie pero wala parin siyang balak magtrabaho." Sagot ko at tumaas naman ang isang kilay niya sa sinabi ko.

"Don't you want to move out?" Natawa ako sa tanong niya.

"Syempre gusto ko pero wala eh hindi ko naman afford tumira kahit sa maliit na apartment lang. Baka magkautang lang ako." Pinilit kong ngumiti sakanya sa kabila ng pait na naranasan ko sa buhay ko.

"Why don't yoy just stay here sa orphanage?" Umiling ako sakanya.

"Hindi pwede dahil baka mag-eskandalo ang tita ko dito. Ayokong madamay sila sa gulo ng buhay ko kaya dumadaan-daan nalang ako palagi dito para magturo." Sagot ko na ikinatango naman niya.

"We'll be staying here for only three days." Sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Ano naman kung tatlong araw lang sila dito? May balak ba siyang gawin akong tour guide at sinasabi niya kung kailan sila uuwi?

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon