Chapter 9: New Life

1.6K 76 18
                                    


Aria.

Napatingin ako sa mga naggagandahang matatayog na gusali. I am amazed dahil ganito pala ang itsura ng city. Napatingin ako kay Keirra na busy sa pagtipa sa phone niya kaya kumunot ang noo ko at sinubukang sumilip sa ginagawa niya.

"Ano iyan?" Tanong ko at bahagya naman siyang nagulat sa sinabi ko.

"It's my instagram. Don't you have one?" Umiling ako dahil pangmayaman lang yata ang Instagram na sinasabi niya. Naririnig ko lang ang mga iyan sa mga kaklase ko noon.

"Wala akong ganyan eh. At isa pa touch screen ang phone mo tignan mo yung akin." Sabi ko at inilabas ang phone ko na de pindot talaga.

"Are you kidding me?" Tinaasan ko siya ng isang kilay kaya napaiwas siya ng tingin.

"Ang mahal naman kasi ng mga ganyan na phone. Ayos na ako sa ganito mas matibay pa." Pagyayabang ko sa phone ko at natawa naman siya ng bahagya sa akin.

"Saan nga pala tayo pupunta? Mapuno na dito ah?" Tanong ko dahil mahirap na baka bigla akong ipabaril ni Keirra at Ate Shina.

Masyado nang OA yung naisip ko. Baka siguro tago yung bahay nila ganon. Kinabahan tuloy ako bigla kahit hindi ko naman alam kung bakit. Abnormal na yata ako? Parang feeling ko naging madaldal na ako simula nang makasama ko si Keirra.

Literal akong napanganga nang salubungin kami ng napakalaking gate. Pagkapasok namin ay mas namangha pa ako dahil parang palasyo na talaga ang nakikita ko. Oo na ignorante na ako pero masisisi niyo ba ako?

Ngayon ko narealize na sobrang yaman pala ni Keirra at Ate Shina. Hindi sila kagaya ng mga pangit ang ugali na mayayaman. Hindi sila matapobre at talagang tumutulong pa sila sa mga nangangailangan.

"Let's go! Ipapakilala kita kay mom at dad." Excited na sabi ni Ate Shina at literal akong hinila papasok sa loob at naiwan si Keirra sa labas.

"We're home! I have someone to introduce to you!" Rinig sa buong bahay ang boses ni Ate Shina. Malawak ang loob ng bahay at ako mismo ay nalulula. Sigurado akong may swimming pool dito dahil sa disenyo.

Napanganga ako nang lumabas ang isang magandang babae at gwapong lalaki na sa tingin ko ay nasa 30's palang. They look classy and elegant.

"Hello anak! Where's your sister? And who's this lovely lady?" Biglang akong napayuko. Nahiya ako bigla dahil ang ganda niya. Feeling ko mas matanada tuloy ako sakanya.

"Kei's still outside, mom. She's Aria Heaven andㅡ" Lumikot ang mga mata ni Ate Shina. She wiggled aher eyebrows and gasped before hugging me.

"Welcome to the family!" Sabi niya kaya kumunot ang noo ko. Anong welcome to the family? Anong meron?

"I'm here mom!" Humiwalay sa pagkakayakap sa akin ang mama nila Ate Shina at umakbay sa akin.

"You have a very lovely lady here, Keirra." Natawa si Ate Shina at ang hula kong Daddy nila.

"She's not my girl, mom." Sabi niya at humalik sa pisngi ng nanay niya bago lumapit sa tatay niya.

"Well at least not yet." Her mother smirked while Keirra just rolled her eyes.

"Welcome sa bahay namin, Aria?" Ngumiti ako at tumango.

"Salamat po sainyo." Nakangiting sagot ko at kumapit sa akin si Ate Shina.

"She'll be staying here since she want to study medicine. I already told you about her and she's worth it." Kumindat pa si Ate Shina at ang nanay naman niya ay tumango-tango.

"We already know about you hija. I just didn't know that it was you." At dahil nga pormal ko na silang nakilala ay nagmano ako sakanila.

"Pasensya na po kung late hindi ko po kasi sigurado kung magmamano po ako kanina o hindi. Ang bata niyo po kasi tignan eh akala ko kapatid kayo nila Keirra." Alanganing sabi ko at natawa naman ang mag-asawa.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon