Chapter 20: Jealousy

1.6K 86 2
                                    


Aria.

Maaga akong nagising kinaumagahan dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Bumangon ako at nag-toothbrush pagkatapos ay naghilamos na rin. Itinali ko ang buhok ko at bumaba pagkatapos ay dumiretso sa kusina. Naabutan ko ang kasambahay nila Keirra na nagkakape at naguusap kaya lumapit ako sakanila.

"Magandang umaga po." Nakangiting bati ko at nagngitian naman sila sa akin.

"Ang aga mo naman nagising. Ikaw yung kaibigan ni Miss Shina at Miss Keirra hindi ba? Hindi nga ako nagkamali dahil mas maganda ka sa malapitan." Sabi ng babae at ngumiti pa kaya bigla akong nakaramdam ng hiya.

"H-Hindi naman po. Ano nga po palang pwede kong maitulong? Hindi po kasi ako sanay na walang ginagawa lalo na at palabas palang ang araw." Sabi kobat nagkatinginan naman silang dalawa.

"Ano na nga ulit ang pangalan mo?" Tanong ng katabi niya.

"Aria po." Nakangiting sagot ko.

"Ako si Gemma at siya naman si Marie. Alam mo Aria nakita ko noon ang ginawa mong pagtulong sa isa sa mga kasamahan namin. Doon ko nasabing mabuti kang tao." Sabi ni Ate Gemma kaya napangiti ako.

"Kapag naman po talaga may taong nangangailangan eh bibigyan natin ng tulong diba? Kamusta na po pala ang kasamahan niyo?" Tanong ko at tumabi na sakanila sa pagkakaupo.

"Mabuti naman siya at masayang-masaya talaga silang mag-asawa lalo na at matagal na talaga nilang gusto na magkaanak." Sabi ni Ate Marie kaya natuwa naman ako.

"Kung ganon ang ganda po ng blessing na dumating sa buhay nila." Sabi ko naman.

"Alam mo ba akala ko talaga noong una ay ikaw na ang bagong girlfriend ni Miss Kei. Matagal na panahon na rin nang makita ko ang saya sa kanyang mga mata." Sabi ni Ate Gemma kaya namula aki bigla.

"N-Nako Ate Gemma! Imposible po ang sinasabi mo lalo na at masyadong malayo ang agwat namin sa isa't-isa." Sabi ko at natawa pero hindi naman sila nagsalita kaya nagtaka ako.

"Alam mo Aria sa totoo lang gusto ka namin para kay Miss Kei." Natawa ako sakanila at napailing nalang.

"Tutulong po ako sa pagaayos ng agahan nila. Ano po bang lulutuin niyo mga ate?" Tanong ko sakanila.

"Rie? Why are you up so early?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Keirra kaya humarap ako sakanya.

Napaiwas din ako agad nang makita kung ano ang suot niya. Hula ko ay nag-jogging siya dahil pawis na pawis pa ito at hubog na hubog ang katawan niya. May tukso na naman sa harapan ko jusmiyo naman! Magsasalita sana ako nang may pumasok din kasunod siya at nawala bigla ang kaba ko dahil napalitan iyon ng inis.

"T-Tutulong ako sa paghahanda ng almusal sakanila. Maligo kana Keirra baka matuyuan ka pa ng pawis." I gave her a small smile bago siya talikuran.

"Wait lang Rieㅡ"

"Let's go Kei? Sabay na tayo." Agad akong tumayo at nauna nang dumiretso sa fridge nila at binuksan iyon.

Maliligo sila ng sabay? Ganon ba sila ka-close? Nakita na ba nila ang katawan ng isa't-isa? Ano ka ba Aria! Syempre nakita na nila lalo na at pareho silang modelo. I sighed and grab something to cook.

"Kawawa naman yung sausage at mukhang mamu-murder pa dahil sa selos." Natigilan ako at nakita ko si Ate Shina na nakangiti sa akin ng mapang-asar kaya ibinalik ko nalang ang tingin ko sa ginagawa ko.

"Kung nagseselos ka bakit hindi mo pa kasi aminin?" Hindi ko pinansin si Ate Shina.

"I'll help you cook nalang." Sabi ni Ate Shina at tinulungan pa akong itali ang buhok ko.

L SERIES Side Story #1: Her End GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon