KEI.A year already passed and here I am fixing my clothes. Ate Shina will come with me sa orphanage na ipinatayo sa La Union. Hindi pwede ang parents namin dahil sila ang maghahandle ng kumpanya habang wala kami. Tatlong araw lang kami ni Ate Shina doon. Mula kasi nang maka-graduate ako ay tinutukan ko na ang kumpanya at siya naman ay nag-focus sa career niya bilang architect. Bukas pa naman kami ng madaling araw babyahe papunta sa La Union kaya mahaba pa ang oras. Kailangan ko rin munang pumunta sa mall para bumili ng mga gamit na wala sa akin at regalo na rin para sa mga bata. I'm planning to stay there for a month maybe?
Isinara ko ang bag at itinali ang buhok ko. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko ang kapatid ko na kumakain sa kusina kaya agad ko siyang sinaluhan.
"Goodmorning! Nagpagawa ako ng waffles na strawberry flavored for you!" Sabi niya at iniabot sa akin ang isang plato na may waffles kaya natawa ako.
Maraming nagbago sa loob ng isang taon. Kasama ng pag-train ko sa sarili ko ang maging malakas ang presensya sa lahat ng bagay. Inalis ko na ang masamang ugali na meron ko noon at ito na ako ngayon. They always say na I changed a lot pero parang hindi naman. Inaasar nga ako ni Venice madalas ng 'top'.
"You didn't eat any of these waffles right?" Tanong ko at nakahinga naman ako ng maluwag nang tumango siya. Allergic siya sa strawberry at ayoko siyang mapahamak.
"Kumain ka pa ng marami para mas tumangkad ka pa." Kumento ko at sinamaan niya ako ng tingin. Mas matangkad kasi ako sakanya. Siya ang pinakamaliit sa aming magkakaibigan. Magkasing-tangkad na nga sila ni Venice at malalagpasan na yata niya si Ate Shina.
"Sadyang matangkad lang kayo! Nasa average kaya ang height ko." Reklamo niya kaya natawa ako. Sumang-ayon nalang ako kahit na maliit talaga siya ayaw lang niyang aminin.
"Hahanapan kita ng prinsesa mo sa La Union." Sabi niya at ngumisi kaya napailing nalang ako. Here she goes again. Alam kong guilty parin siya sa pakikipaghiwalay ko kay Victoria pero gaya ng sabi ko sakanya, desisyon kong iwan si Victoria kaya hindi na dapat siya mag-alala.
Mabigat ang hakbang ko papunta sa mansyon ng pamilya ni Victoria. Hindi ko alam kung paano sisimulan pero kailangan kong gawin kung ano ang tama. Hindi ko na kayang magbulag-bulagan at iwasan pa ang katotohanan. Pagod na rin akong saktan ang sarili ko at ayokong makulong kami pareho sa sitwasyong ito.
"Victoria." Tawag ko sakanya at nagulat naman siya nang makita ako kaya tumayo siya at akmang lalapitan ako nang pigilan ko siya.
"I'm here to say na uuwi na ako ng Pilipinas." Pinilit kong ngumiti kahit na pilit na dinudurog ang puso ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na tama na dahil hindi naman ako ang mahal niya.
"U-Uuwi? May kontrata ka pa." Sabi niya at umiling naman ako sakanya.
"Tinapos ko na ang kontrata ko Victoria. Hindi iyon ang pinunta ko dito." Huminga ako ng malalim at tinitigan siya mismo sa mga mata niya.
"I-I'm here to finally let you go." I finally said it! Natigilan siya at nanlaki ang mga mata niya. Nagulat ako nang dahan-dahan siyang mapaupo sa sahig kaya agad ko siyang tinulungan para tumayo.
"Victoria oras na para palayain kita. Gusto ko na ring palayain ang sarili ko kasi alam kong hindi ka sa akin sasaya." Sabi ko at tuluyan nang tumulo ang mga luha ko at ganon din siya.
"I-I'm so sorry." Umiling ako sakanya at pinunasan niya ang nga luha ko. Napahawak ako sa kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.
"I should be the one apoligizing." Sabi ko at pilit na ngumiti sakanya. Nsasaktan ako sa nakikita ko ngayon.
BINABASA MO ANG
L SERIES Side Story #1: Her End Game
RomanceWARNING: READ LS SERIES #2: WHEN DESTINY PLAYS FIRST BEFORE READING THIS TO AVOID CONFUSION.