"KAILAN KA DARATING?"
Napakalabo.
Wala halos maaninag.
Nangangarap at nagbabakasakaling makita ang tangi kong hinahangad.Ako si Cristal. Mayaman. Maganda. Sopistikada.
Ngunit sa kabila ng lahat nang ito, isa lamang ang tanging hinahanap-hanap ng puso ko.
Pagmamahal.
Mula sa pamilya, kaibigan at lalaking pinaka-iibig ko.
"Hindi na kita mahal, patawarin mo ako." mga salitang mas nagpadurog sa puso ko.
Masakit man ay kailangan kong tanggapin ngunit hanggang kailan?
Hindi ko alam kung matatapos pa ba ang walang kasiguraduhang panlalabo ng buhay ko.
Sana dumating ang panahon na magkaroon ng mga salitang muling bubuo sa nadurog na ako.
Pakiusap, buuin mo ako.