TOPIC: Mula sa Kantang Ikot-ikot ni Sarah G.

13 1 0
                                    

 "Balot ng Buhay Ko"

Ilang ulit akong napapalingon sa aking likuran, pakiramdam ko ay may kung sinong sumusunod sa akin ng mga sandaling ito. Bigla akong kinabahan."Heto na naman tayo," napaingos akong kinausap ang aking sarili habang patuloy sa paglalakad."Parang kailan lang nang huli tayong mag-usap. Bakit ba kahit gaano ako kalayo, nasusundan mo pa rin ako?" patuloy ko pa na animo'y nakikita ko ang kung sinumang iyon."Hindi! Ayoko! Ayokong paniwalaan 'yang sinasabi mong tayo'y pinagtatagpong muli!" pailing-iling pa ako na para bang pinagpipilitan ko ang kung anuman iyon."Oh Talya, anong nangyayare sayo?" tanong ni Fiona na may himig ng sarkasmo."W-wala naman! Bakit mo natanong?" kinakabahang tanong ko."Kahit kailan hindi na nawala 'yang pagkausap mo d'yan sa sarili mo! Ilang ulit na ba kayong nagkasakitan ng sarili mo ha?" nagpipigil sa tawang tanong niya."Hindi ko alam, paulit-ulit din naman gumagaling eh at isa pa, kahit na ilang ulit kong iwan 'to, patuloy din namang bumabalik!" mabilis na litanya ko.Nanlaki ang mga matang tinignan ako ni Fiona, nasa hitsura niya ang pagkagulat sa sinabi ko."Nababaliw ka na talaga! Halika ka na nga sa classroom, baka mahuli pa tayo sa unang klase natin." sabi niya habang hinihila ako."Totoo naman eh! Marami nang sakit ang ibinigay ko kay Balot pero lahat iyon nililimot niya tapos pinapabayaan na lang!""Sino si Balot?" takang tanong ni Elle na hindi namin namalayang nasa likod."Basta si Balot! Hindi daw niya maiwasang isipin na para kaming tumatakbo sa walang hanggang kalye! May walang hanggang kalye ba?" naguguluhang tanong ko sa kanila. "Ang pag-ibig daw niya para sa akin ay tila ba 'sang biyahe!" pagpapatuloy ko."Kulang lang sa ikot ang turnilyo mo Ate Talya! Gusto mo ako magpa-ikot ikot?" singit ni Kelly, kapatid ni Elle."Ikaw daw paikut-ikutin ni Balot," sabi ko dito."Aaaaaahhhhhhhhh!!!!!" at mabilis na kumaripas ang tatlo sa pagtakbo."Heto na naman sila, mga damdamin na naman nila ay bumubugso at napapaso. Bakit ba hinahayaan pa rin kitang lumapit sa akin, Balot?" tanong ko sa aking sarili habang kakamot -kamot akong sumunod sa kanila.Si Balot kasi may kasalanan nito eh! Naiinis pang reklamo ko sa aking sarili.----"Good Morning Class!"agad na nagsitayuan kami ng pumasok ang isa sa pinaka-masungit naming guro."Good Morning Ma'am Milca!" bati namin."Siguro may regla si Ma'am ngayon, dumoble ang pagiging masungit eh," bulong na saad ni Elle kay Fiona pero rinig ko naman."Anong ibinubulong-bulong mo diyan, Ms. Mendoza? Bubuyog ka ba para bumulong?" masungit na tanong nito na hindi namin namalayang nakalapit na pala sa pwesto naming tatlo."Sorry Ma'am," nakatungong saad nito."M-Ma-Ma'am!" nagtaas naman ng kamay ang isang kaklase namin. Agad na tumingin kami sa kanya."Pwe-pwe-pwede po-po ba-bang lu-lumabas?" utal-utal na tanong nito."Minsan iniisip kong lumalayo ka lang sa klase ko, Mr. Ampaso." saad ni Ma'am habang taas-kilay ito."Hi-hin-hindi na-na-naman pop-po Ma'am,""Talaga lang? Sabagay, hindi naman kita maiiwan na ganyan pa rin ang pananalita mo. Ano na lang sasabihin sa akin ng ibang guro.""M-Ma-Ma'am, m-ma-mag-CR l-lang ako!""Sige, lumabas ka na at bilisan mo lang." tila napapahiyang sabi ni Ma'am."Sssshhhh.. h'wag kang maingay at baka marinig ka ni Ma'am!" patabi-tabingi ang ulo ko habang sinasabi iyon sa mahinang tinig. Sa pakiwari ko'y hindi naman niya iyon narinig dahil nagtuloy-tuloy na kami sa klase.-----"Araw-araw na lang Talyaaaaa!" naalimpungatan ako ng paluin ni Ma'am ang ibabaw ng lamesa ko. Nagpalingon-lingon pa ako sa pagbabakasakaling guni-guni ko lang iyon.Ngising-ngisi siyang nakaharap sa akin."Hanggang ngayon ba naman ay iniisip mo pa ring mahal ka ng kung sinong Poncho Pilatong Balot na iyan? Alam mo bang ikaw lang ang puno't dulo kung bakit nagtatagal ang klase ko?" naiinis na turan niya."Puro na lang si Balot ang laman ng utak mo! Si Balot na walang malay! Si Balot na hamak na sisiw lamang! Kaya 'yang mga sagot mo sa Exam ay puro Balot! At ang Score mo ay puro itlog!"At dahil doon, naghalakhakan ang mga kaklase ko.

MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon