TOPIC: NAKAMAMATAY ANG PAGBABAGO

1 0 0
                                    

TVPCMK-012

"Taksil"

"Minahal mo ba talaga ako?" Naguguluhang tanong ko sa kan'ya.

Umiling siya't tumungo bago sumagot, "P-patawarin mo a-ako, Astrid."

Hindi ko alam, subalit muli na naman akong nakaramdam ng sakit. Higit na mas masakit ang katumbas nito ngayon.

Tumingala ako upang hindi nila makita ang mga luhang pinipilit kong pigilang umagos.

*****

"P-pakiusap H-harry, h'wag mo akong iwan! Walang katotohanan ang sinasabi niya," umiiyak kong wika habang nakikiusap na huwag niya akong iwan.

Hindi ko kakayanin...

"Kitang-kita kong pinapasok mo siya sa loob ng ating bahay, tapos sasabihin mo sa akin na walang katotohanan ang sinasabi niya?" Nanggigigil sa galit na tugon niya sa akin.

"M-maniwala ka s-sa 'kin, Harry! N-nagpunta s-siya rito d-dahil ang s-sabi niya sa a-akin ay k-kaibigan ka n-niya." Sumisinok man ay patuloy pa rin ako sa pagpapaliwanag sa kan'ya.

"Hindi mo mabibilog ang ulo ko, Astrid! Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano kayo maglampungan dito sa k'warto!" Galit na galit na saad niya habang nagliligpit ng mga damit sa kan'yang maleta.

"N-nakikiusap ako sa 'yo, Harry. H-hindi k-ko magagawa i-iyon sa 'yo," patuloy kong pagmamakaawa sa kan'ya ngunit nanatiling sarado ang tenga niya para sa lahat ng paliwanag ko.

"Wala kang k'wentang asawa!" huling wika niya habang papalayong nilisan ang aming tahanan. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak.

Ang puso ko'y nanatiling matamlay. Walang buhay. Katulad ng makulimlim na panahon. Tila sinasabayan ang bawat luhang dulot ng kapighatiang nasa puso ko.

"Nakita ko ang asawa mo kasama ang lalaking nagtungo sa inyong bahay." Agad akong nagpunas ng mga luha nang marinig ang tinig na iyon ni Rommel.

Ang lalaking tumulong sa akin matapos akong iwan ng aking asawa upang sumama sa ibang babae.

Pinagplanuhan nila ang lahat upang nang sa gayon ay maiwan niya akong malinis ang kan'yang konsensiya.

Muntik na akong mabangga ni Rommel dulot ng pagkahumaling kong sundan si Harry upang balikan ako. Hanggang sa tuluyan kong nakita ang tunay na dahilan ng pakikipaghiwalay niya sa akin.

Malaki ang naitulong sa akin ni Rommel. Isa na rito, kung paano pag-iingatan ang aking sarili. Maraming panahon ang ginugol ko upang mapag-aralan ang lahat. Malaking pagbabago ang inayos niya sa magulo kong mundo.

Maging ang aking postura ay binago niya, na sa t'wing haharap ako sa salamin, hindi ko na makilala ang aking sarili.

Napagpas'yahan ko ring kalimutan ang aking anak...

"Lalaban siya bilang Mayor ng kabilang bayan," dugtong pa nito na siyang ikinagulat ko.

"Kailangan nating gumawa ng aksiyon. Hindi magandang ehemplo ng ating bayan ang katulad niyang manloloko!" Nagniningas sa galit na sagot ko kay Rommel.

Lumipas ang mga araw, tuluyan kaming gumawa ng paraan upang pabagsakin ang kampo ni Harry.

Hindi ko hahayaang manalo sila sa pagkakataong ito!

*****

"Ano bang kasalanan namin sa inyo?" Galit na tanong ng babae sa akin.

Nakatalikod kami sa kanila. Hinahayaan ko lamang na sumigaw siya nang sumigaw hanggang sa mawalan s'ya ng boses.

"Ano bang kailangan niyo sa amin?" Malumanay, ngunit naguguluhang tanong ni Harry.

Ang kanilang mga kamay ay parehong nakagapos. Tanging ang mga taga-sunod lamang namin ni Rommel ang nakaharap sa kanilang dalawa.

"Hindi naman namin kayo kilala, kaya bakit ni'yo kami gina-ganito?" Hiyaw na naman ng babae.

Agad na nag-igting ang panga ko nang marinig ang sinabi nito. Hindi ko nagawang pigilan ang aking sarili, kung kaya't humarap ako sa kanila.

"Siguro naman ngayon ay kilala niyo na ako?" walang emosyong tanong ko sa gulat na gulat nilang mga mata.

"A-astrid," mahinang tawag sa akin ni Harry.

"My pleasure!" yumukod pa ako sa harap niya, saka s'ya nilapitan.

"Kilala mo pa pala ako, matapos ang lahat ng ginawa mo sa akin." Pang-uuyam ko sa kan'ya.

Gusto ko siyang sigawan!

Iparamdam ang lahat ng sakit at pighating dinulot niya sa akin...

....maging sa aming anak na nawalan ng buhay sa aking sinapupunan dahil sa kaniya!

"P-patawarin mo ako," mahinang saad nito sa akin.

"Minahal mo ba talaga ako?" Naguguluhang tanong ko sa kan'ya, habang titig na titig sa kan'yang mga mata.

Umiling siya't tumungo bago sumagot, "P-patawarin mo a-ako, Astrid." Tila naumid ang dila ko sa narinig.

Ilang taon na nga ba nang huli kaming magkita?

Hindi ko alam— muli ko na naman naramdaman ang sakit, at higit na mas masakit ang katumbas nito ngayon.

Tumingala ako upang hindi nila makita ang mga luhang pinipilit kong pigilang umagos.

Ngunit, hindi ko iyon nagawa. Tila unti-unting muli'y nadurog ang puso ko. Kung paano niya ako nagawang paikutin sa kanilang mga kamay.

Sa ikalawang pagkakataon ay...

"Hindi ka nararapat mabuhay, Harry!" Narinig ko ang nagngangalit- bagang na sigaw ni Rommel.

Agad akong napalingon dito, kitang-kita ko kung paano nito ipinutok ang hawak-hawak nitong baril.

Mabilis akong kumilos upang harangan ang lalaking minamahal ko, ngunit huli na ang lahat...

Hindi ko siya nagawang iligtas...

....dahil ang babaeng minamahal niya ang nagbuwis ng buhay para sa kan'ya.

#

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon