TOPIC: ISANG PLUMANG MAY TATLONG TINTA: ASUL, DILAW AT PULA.

3 0 0
                                    


Batas Laban sa Batas

Baybay ang kadiliman ay binabagtas ko daang patungo sa aming tahanan, ngunit sa 'di inaasahan, naroon ang kinatatakutan ng lahat. Nagtatago ito sa malaking punong naroon. Kaba at takot ang naghari sa puso ko ng mga oras na iyon habang ang kan'yang mga braso'y nakaipit sa aking leeg.

Karahasan ang dumanak sa aming Bayan, dahil sa pangyayari ng gabi ring iyon, ngunit walang nakabatid sa nangyari.

******

Nakapanlulumong makita ang kan'yang kalagayan, habang kinukonsensiya ko siya sa nakaraan. Ngunit, hindi na magbabago ang aking pasya; galit at poot ang nagkukubli sa aking puso.

"W-wala akong alam sa sinasabi mo," patuloy na tanggi niya.

"Uulitin ko, hindi ba't naroon ka rin ng gabing iyon, nang gahasain at patayin si Annie ng iyong ama?" pagtitimping tanong ko sa lalaki, ngunit nananatiling matalim ang mga tinging aking ipinupukol.

Kitang-kita ko ang takot at pangambang bumabalot sa kan'ya, habang ang mga taong nasa loob ay pawang nagbubulungan.

"Objection your Honor!" napatingin ang lahat sa apelang iyon ng kanilang abogado. "Hinaharas ni Atty. Destreza ang anak ng aking kliyente, base sa kan'yang mga katanungan,"

Napatingin ako kay Atty. Alcantara, matapos ay muli kong binalingan ang aming Hukom. Tiningnan niya ako, at pagkalipas ay binalingan rin ang lalaking nakaupo sa harap ng korte.

"Sustained!" malakas na bulalas nito, at pagkatapos ay kinuha ang atensiyon ng lahat. "Sagutin ang tanong," muli'y malakas na sabi nito.

"W-wala po a-akong a-alam sa sinasabi n-niya! W-wala po!" nanginginig na sagot ng lalaki sa akin, na mas lalong nakapagbigay puntos sa kan'yang pagsisinungaling.

Napangiti ako, inilabas ang isang bagay, higit itong makapagdidiin sa kan'yang ama sa kasalanang ginawa. Doo'y tuluyan nanlupaypay ang lalaki. Nawalan nang lakas na ipaglaban ang kan'yang karapatan, upang ipagtanggol ang sariling ama sa harap ng karamihan. Tanging hagulhol at pag-amin lamang ang maririnig sa loob ng korteng iyon.

Mabilis na lumandas ang luha sa aking pisngi. Walang pagsidlan na kaligayan. Hindi ko lubos maisip na magagawa kong mapagtagumpayan ang hamon sa aking pagkatao. Isang dekada ang nakalipas, ngunit nakatatak sa aking puso, kung paano ako nawasak.

*******

Bunsod nang kagustuhan nitong makatakas sa mga kamay ng criminal, pinilit nitong bumangon. Subalit, ang nararamdamang sakit nito sa buong katawan ang unti-unting nakapagpapahina rito. Patuloy itong nanlaban, ayon sa pulisya, ngunit wala itong nagawa.

Kamatayan pa rin ang natamo nito, at nanatiling sarado ang kaso ng pagkamatay, bunga nang hindi makatarungan at pantay na pagtingin ng pamahalaan sa nakatataas at sa abá.

Pinilit kong magtapos ng kolehiyo upang alamin ang totoong nangyari, gamit ang sarili kong kakayahan, muli kong binuksan ang nakalimutan na ng panahon— ang karumaldumal na krimeng sinapit niya sa kamay ng mapang-aping Mayor ng aming Bayan.

Ginamit ko ang aking kapangyarihan bilang isang abogado, lakas-loob kong hinawakan ang kan'yang kaso. Isiniwalat ko ang nakatagong lihim ng nakaraan, upang mabigyang katarungan ang kan'yang pagkamatay.

Nakaupo akong pinagmamasdan ang kan'yang puntod, habang pilit inaalala ang sinapit nito.

"Annie, ngayon ay malaya ka na, sa sakit na dulot ng nakaraan." Usal ko sa hangin.

"Katulad ko, Mahal."


MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon