PULIS: Sino pa ang sasaklolo kung ikaw mismo ang kriminal?

11 0 0
                                    

 "HUSTISYA: AKO ANG KARMA MO"

"Tulong! Tulong!" hinihingal na siya sa pagtakbo habang patuloy na sumisigaw. Pakiramdam niya'y babagsak na siya ng mga sandaling iyon, ngunit kailangan niyang maging matatag.

Bakas sa mukha niya ang takot at pangamba na baka sa oras na tumigil siya sa pagtakbo ay mawalan siya ng pagkakataon na makaligtas pa. Kailangan niyang makalayo at makahanap ng taong tutulong sa kanya.

****

"Bossing, may isang babae na naglalakad. Maganda at sexy."nakangising wika ng isang lalaki habang may kausap sa kanyang cellphone. Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa isang babaeng naglalakad na malapit sa madilim na pasilyong kinaroroonan nila.

Gawain na nila ang mag-abang ng mga kababaihan sa lugar na iyon ngunit ngayon lamang sila nakatiyempo ng pagkakataon kaya naman ngingisi-ngisi siyang tinawagan ang kanyang Boss.

"Ilan kayo ngayon?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Tatlo lang kami Boss, nandito po kami sa dating lugar." sagot ng lalaki.

"Oh sige, darating ako pero hindi ngayon, hintayin na lamang ninyo ako. Alam niyo na ang gagawin ni'yo."

"Sige Boss," muli ay sagot ng lalaki sa kausap saka tuluyang ibinaba at itinago ang kanyang cellphone. Mababakas pa rin sa mukha ng lalaki ang isang ngiti.

****

"Nakikiusap ako sa inyo Sir, tulungan niyo po kaming hanapin kung sinuman ang gumawa nito sa kapatid ko." nagsusumamong pakiusap sa akin ng isang babae. Namumugto na ang kanyang mga mata ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak. Halos nakita ko ang sarili ko sa kanya noong mawala ang kaisa-isang babaeng minahal ko.

Narito kami sa morgue kung saan nakikita ko ang mukha ng isang babae. Makikita sa hitsura nito ang hindi kaaya-ayang sinapit sa kamay nang kung sinuman. Ginahasa muna ang dalaga bago tuluyang binawian ng buhay. Mababakas sa mukha ng mga magulang nito ang labis na pagtangis para sa kanya.

"Wala pa bang lead sa kasong ito, Castro?" tanong ko sa isang pulis na siyang nag-iimbestiga matapos makita ang bangkay nito sa isang abandonadong building.

"Ang totoo Sir ay wala pa po kaming nakukuhang kahit na anong lead sa kaso." sagot nito sa akin.

"Pakiusap po Sir, kailangan po namin ng hustisya para sa kapatid ko. Masyado pong brutal ang ginawa nilang ito." patuloy na pagsusumamo ng babae sa akin. Halos lumuhod na siya sa harap ko sa pagmamakaawang mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng kanyang kapatid.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masakit para sa akin ang makitang nasasaktan sila.

Wala pa kaming nakukuhang lead sa kasong ito. Tama siya. Masyadong brutal ang ginawa ng mga Kriminal sa babae. Halos hindi na makilala ang babae dahil pinukpok ang ulo nito ng isang malaking bato.

"Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya Madam. Mabibigyan din po natin ng hustisya ang pagkamatay ng inyong kapatid." pagpapalubag-loob ko dito.

"Sana nga po Sir, sana nga po."

****

"Wala kang utang na loob Castro, hindi ko akalain na ikaw pa ang maglalaglag sa akin sa kasong ito." galit na galit na saad isang may edad na lalaki sa mismong nag-imbestiga sa kaso. Makikita ang gitil-gitil na pawis sa kanyang noo. Mababakas sa mga mata nito ang takot.

"Hindi ako ang pumatay. Maniwala ka sa akin, Ian. H-hindi a-ako." nakikiusap na sigaw nito habang hawak-hawak siya ng mga Pulis.

Wala na siyang magagawa sa sintens'yang ipinataw sa kanya kasama ang kanyang mga alipin. At isa si Castro sa pumatay. Hindi na naitanggi pa ni Castro ang krimeng ginawa nila dahil may isang testigo ang nakapagturo sa kanya, isa ito sa mga lalaking humabol sa babae noong gabi bago ito pinatay. Kasama nito ang kanyang mga kaibigan na malapit sa kanilang lugar.

"Ian, m-maniwala ka s-sa akin anak, h-hindi a-ko. Hindi a-ako." mabilis na hinablot ng lalaki ang aking kamay at saka tuluyang iniharap ako sa kanya. "M-maniwala ka."

"P-paano kita paniniwalaan ngayon. Kapwa mo Pulis pa ang nagdiin sa'yo." walang emosyong sagot ko sa kanya ngunit makikita sa aking mga mata ang galit.

"H-hindi k-ko i-iyon kayang g-gawin sa k-kanya." kitang-kita ko sa mga mata nito ang kakaibang takot.

"Talaga bang hindi mo kayang gawin?" mapanuyang tanong ko sa kanya. "Ikaw ang dahilan kung bakit namatay si Mommy kaya wala kang karapatang sabihin sa akin na hindi mo iyan kayang gawin!" galit na galit na sigaw ko sa kanya saka tuluyang tinalikuran siya.

Masakit para sa akin ang ginawa ko pero wala akong magawa. Bata pa lamang ako ay alam kong Kriminal na siya. Lagi niya akong sinasaktan maging ang aking ina. Pero hindi ko akalain na ang huling papatayin niya ay ang aking Ina.

Ama ko ang nagkasala.

Pinatay niya ang sarili niyang asawa.

Ang Ama ko ay isang Kriminal kaya minabuti kong maging Pulis.

Subalit isang Pulis na may dignidad at paninindigan sa aking sinumpaang pangako sa Bayan.

Hindi Pulis na katulad niya.

At siniguro kong ako ang magiging karma niya!

At ito na ang oras. AKO bilang ANAK niya ang siyang KARMA niya!


MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon