TOPIC: DEJA VU CHORUS LYRICS

8 0 0
                                    

🍁Kaluluwang Ligaw🍁

Mataman mo siyang pinagmamasdan sa 'di kalayuan ng gabing iyon habang siya'y naglalakad pauwi sa kanilang tahanan. Sinusundan-sundan mo ang lahat ng kan'yang mga kilos. Labis kang nananabik na muli siyang masilaya't makasama. Ngunit, may takot na dumadaklot sa 'yong puso dahil siya'y pagmamay-ari na ng iba.

Ilang ulit mo na ring nabalik-balikan ang mga lugar na inyong narating sa t'wing sinusundan mo sila habang natatanaw ng 'yong gunita ang mga pagkakataong napapangiti ka dahil sa dulot nang kan'yang mga tawa.

"Hanggang kailan mo ba ako susundan?" tanong niya sa 'yo ng hindi lumilingon.

Hindi ka nagsalita. Sa dami ng subok na iyong ginawa, sa unang pagkakatao'y kinausap kan'ya.

"Ano? Bakit hindi ka sumagot?" sa isip mo'y nakikinita-kinita mo ang kan'yang nakakunot na noo habang itinatanong iyon.

"Pe-p-pero kasi-" natataranta ka ng mga sandaling iyon dahil hindi mo malaman kung saan ka kukuha nang lakas ng loob para tanungin s'ya sa mga tanong na nais mong masagot.

Humarap s'ya sa iyo dahilan upang mas lalo mong maramdaman ang kabang kanina pa bumabalot sa 'yong puso. "Ilang buwan na ba ang nakalipas simula ng magpakita ka sa akin?" nagtitimping tanong niya sa 'yo. Sa ngayon ay hindi mo na nakikita sa kan'ya ang pagkagimbal.

"Loren-"

"Patrick ang pangalan ko at hindi Lorenzo," kuyom ang palad na putol niya sa pagsambit mo sa kan'yang pangalan. "Ilang ulit ko rin bang sasabihin iyan sa 'yo?" patuloy niya.

Muli kang yumuko. "G-gusto ko lang itanong sa 'yo kung bakit hindi mo na ako naaalala?" lakas-loob mong tanong sa kan'ya. "Ako ito! Si Esmeralda." Patuloy mong sambit.

"Bakit ba ipinipilit mong ako si Lorenzo?" halos mapunit ang litid nito sa tanong niyang iyon sa 'yo. Halata mo na ang galit sa kan'yang mga mata.

"Pero paano mo maipaliliwanag na ang lahat ng ginagawa mo sa kasintahan mo ngayon ay ginawa mo rin sa 'kin noon?" nagtatakang tanong mo sa kan'ya. "Kaya kong sabihin sa 'yo ng paulit-ulit ang mga susunod mong gagawin." Bulong mo sa huling katagang iyong sinabi.

"Matagal ka ng patay-"

"Pero nabubuhay ang kaluluwa ko para sa 'yo, Lorenzo." Putol mo sa iba pang sasabihin niya.

Oo.

Tatlumpung taon ka ng patay pero ang kaluluwa mo'y nananatiling naglalakbay kasama ang 'yong puso para sa lalaking minamahal.

Si Lorenzo.

*****

"Ahhhhhh!" halos mapalundag ka sa 'yong hinihigaan nang hapong iyon ng marinig ang malakas na tilian ng mga babae. Sa isip mo'y naroon ang inis dahil naputol ang 'yong panaginip.

Kagyat kang bumangon at sumilip sa bintana upang tingnan kung ano ang nangyayari. Halos mapatili ka rin sa kilig matapos mong mamataan ang isang eksenang hindi mo inaasahan. Sa isip mo'y inaasam-asam ring maranasan ang ganoong estilo ng mga lalaking mànliligâw sa iyo. Ngunit, palagay na ang loob mo na malabo 'yong mangyari.

Dahil, ang lalaking itinadhana para sa 'yo ngayon ay nasa harapan mo.

Si Patrick.

Ang lalaki sa 'yong panaginip.




MGA MAIKLING KWENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon